"A-Ayoko na, p-pleaseee!"
"T-Tama na. . . AAAAAAAAAH!"
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga.
Hingal na hingal ako at nararamdaman ko na tumutulo na ang luha ko.
Bakit sa lahat ng mapapanaginipan ko sila pa at ang masama pa doon ay ang sama ng mga tingin nila sa akin. Nararamdaman ko ang kirot sa puso ko dahil sa napanaginipan.
Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko. Oo nga pala, saturday ngayon so rest day ko ngayon. Nag ayos muna ako ng sarili ko at bumaba na para kumain.
**
Nandito ako ngayon sa sofa at nagmumuni muni.
Wala kasi si Dad dito sabi ni Ate Jane. Isa sa maid pero ate ang tawag ko kasi pantay pantay lang naman tayo diba? Hindi na kailangan pang tawagin silang 'Yaya! Kunin mo nga yung ganto!' Ang panget pakinggan nun at tinuruan kami na maging pantay pantay sa mga taong nakakasalamuha mo.
Bigla ko na lang naisip na naman yung nangyari kahapon. Napangiti ako at napailing. Nanalo kasi sila Kyle Adrian kahapon at syempre may pangako ako sa kanila.
Inilibre ko sila sa Ice cream Parlor sa Fun-tash Mall kahapon. Isa sa mga sikat at mabentang bilihan ng ice cream. Bukod sa masarap at halos lahat ng flavor ay nasa kanila, afford pa ito ng mga studyante.
Sobrang saya namin kahapon kahit na naubos ang allowance ko. Hindi ko alam kung bakit napapalapit na ako sa kanila ng sobra. Ito ba yung kapalit sa kalungkutan ko at pagka miss ko sa mga kaibigan ko sa Maxxiana? Napabuntong hininga ako at natulala.
Magtwo two weeks na rin pala ako dito sa Famous Academy pero wala pa akong masyadong nalalaman sa school na ito. Marami naman kasing nakapagsabi na sikat talaga itong Academy na ito sa Pilipinas.
Napaisip tuloy na naman ako. Paano kaya kung hindi ako lumipat ng school siguro masaya pa kami ng mga kaibigan ko at medyo malulungkot dahil hindi ko makikilala si Xandie pati na rin ang BIA.
Pinilig ko ang ulo ko at umakyat na lang ulit ako sa kwarto.
**
Dahil sa sobrang bored ko sa bahay, napagpasyahan kong lumabas muna at pumunta ng Mall. Boring kapag walang kasama kaya tinawagan ko si Xandie at pinapunta siya dito.
*FAST FORWARD*
"Raineee! Yung birthday ko ha? Wag mong kalimutan. Kailangan nandoon ka, Hmmp! Magtatampo ako kapag di ka pumunta!" Sabi ni Xandie ng nakasimangot. Napangiti na lang ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Fun-Tash Mall.
"Kabirthday mo kasi yung cousin ko. Sabi ni Dad kailangan kong pumunta sa Party ng pinsan ko kasi yun na daw yung pagkakataon para makita ko siya." Sabi ko. May part na masaya ako kasi makikita ko na yung pinsan ko kasi never ko pa siyang nakita sa buong buhay ko. May part din na nalungkot ako kasi baka hindi ako makapunta sa birthday ni Xandie na tinuring ko na ring kaibigan.
Nakita ko naman sa Peripheral view ko na ngumisi siya. Nagkibit balikat na lang ako.
**
"Alam mo Rainne ang popogi talaga ng BIA. yieeeee! Medyo crush ko sila hihi." Sabi ni Xandie habang may pahawak hawak pa sa braso ko at pahampas hampas pa.
Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Napangisi ako at nakaisip ng kalokohan na ikaiinis niya.
"Crush mo nga, pero crush ka ba nila? Tsk. Ang hirap talaga umasa 'no?" Sabi ko sa kanya na nagpipigil ng tawa. Medyo kabisado ko na ang ugali ni Xandie. Madaling sumaya at madaling mainis.
Bigla siyang tumingin sakin ng matalim at napalunok ako ng makita kong hinahampas niya ang kanyang phone sa palad niya.
"Gusto mo ihampas ko sayo itong cellphone ko? Pasalamat ka't pin—kaibigan kita!"
Mukhang nagalit ko nga siya. Nag peace sign na lang ako sa kanya. Siya naman ay inirapan lang ako.
Habang naglalakad kami sa loob ng Mall ay may nakita akong mga pamilyar na tao. Pamilyar talaga sakin eh! Yung katawan nila, kung paano sila maglakad. Pero hindi ako sure kung sila iyon kaya umiwas na lang ako ng tingin at naghanap na kami ng makakainan. Actually, nag shopping kami ni Xandie kaya ngayon lang kami kakain.
Tumingin ako sa wrist watch ko. 5:42 pm na pala. Tinext ko kasi si dad na aalis ako at gagabihin ako.
"Rainne, Tara doon na lang tayo sa Chowking!" Nakangiting saad ni Xandie sa akin. Teka—Bakit doon?
"Chowking? Ano yun family bonding? Wag doon!" Iling na sabi ko sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Arte mo Rainne. Sa KFC na lang kaya?" Suggest ulit ni Xandie. Hindi ba talaga marunong pumili 'tong si Alexandria na makakainan? Nakaka disappoint.
"Dalawa lang kaya tayo! Mga magtotropa yung mga nandoon, okay? Ano nagdedate lang tayong dalawa? Hindi tayo talo Xandie!" Naiirita kong sabi. Nakita ko naman sa peripheral view ko na inaambahan na ako ng palo ni Xandie gamit yung bag niya. Anong problema ng babaeng ito?
"Ang dami mo naman alam Rainne! Nakakainis. Sa Mcdo na lang kaya para mas masaya?"
"BAKIT SA MCDO?! Pang broken hearted lang yun eh! Ayoko dun! Sa iba na lang!" Sabi ko ulit at napakamot na sa aking nakakunit na noo.
"GUSTO MO SABUNUTAN KITA RAINNE?! ANO?! kairita ka naman eh! Ikaw na lang nga magdecide! Saan mo ba gusto?" Tanong ni Xandie na nababanas na. Napangisi ako at humagikhik.
"sa Jollibee na lang Alexandria! Mas maganda doon. May forever pa hehe!" Excited kong sabi. Totoo naman kasi na may forever sa Jolibee.
"Jollibee lang pala gusto mo pero kung ano ano pang pinagsasabi mo! Tara na nga." Sabi ni Xandie na halatang naiirita. Pumunta na kami sa Jolibee at kumain.
*SOMEONE'S POV*
Kinabahan ako doon, muntik na niya kaming makita. Heto na naman ako, namimiss ko na siya. Lalo siyang gumanda.
"Psst, tara na. Muntik na niya tayong makita. Buti na lang mabilis tayong nagtago." Sabi niya.
Inilagay ko na yung kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko at nauna nang maglakad sa kanila. Narinig ko naman silang may binulong.
"Psh. Tignan mo itong taong 'to! Pero pag nandito si ano akala mo di ano! Napaka ano mo! Hindi ka naman inaano!" Napangiti naman ako sa kakulitan nila. Narinig ko naman na nagtawanan sila.
"Wala kaming naintindihan sa sinabi mo eh! Puro ka ANO eh!" Sabi ng isa na natatawa.
"Oo nga, lakas mo talaga!" Natatawang sabi niya. Nakangiti at napailing na lang ako sa kanila. Kapag nagsama sama ulit kami paniguradong sobrang ingay namin at saya.
Kung nandito ka lang sana, miss ka na namin. Miss na kita.
**
Nandito ako ngayon sa kwarto at nag iiscroll sa f*******:. Nakakagulat kasi ang daming notification and friend request ang natanggap ko.
Notifications: 99+
Friend request: 423+
Parang noong thursday lang ako nag open ang dami agad ng friend request? Inisa isa ko lahat sila at kinonfirm.
Napahinto pa ako at nanlaki ang mata ng makita kong pati ang BIA ay nagsend rin sa akin ng friend request. Yung totoo, anong meron?
Isa isa kong in-accept sila kaya lang kinakabahan ako baka mamaya makita nila yung mga matagal ko ng tinatago. Teka—anong gagawin ko?!