Nasa harapan na ako ng gate ng school at handa na dapat pumasok kaya lang hindi ko maiwasan kabahan ako. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang aking sarili.
Alam ko naman na hindi big deal iyon
kaya lang ayoko talagang malaman nila. Pumasok na ako sa loob at nagmadali sa paglakad. Habang naglalakad ako may mga nakikita akong mga ka schoolmate ko na nakatingin sakin at nagbubulong bulungan.
"Bes! Nakita mo ba yung sa sss account nung Rainne? Nakakaloka grabe!"
"Oo nga bes eh! Di ko kinaya yon."
"Pagkaka alam ko kalat na yun dito sa FA eh! Tsaka meron daw nun sa bulletin board! Tara gora na tayo! Tignan ulit natin."
Gosh, sabi ko na nga ba't malalaman nila yun. Ang bilis talaga kumalat ng balita. Agad agad akong tumakbo para pumunta sa bulletin board. Habang tumatakbo ako ay hindi ko maiwasan na hindi makita yung mga studyanteng nakatingin sakin.
Napahinto lang ako nung malapit na ako sa board. Jusme! Ang daming tao. Tumingkayad ako para makita ko kaya lang failed. Nabigla ako ng may humila sakin.
Pagkatingin ko sa humila sa akin ay napaiwas ako ng tingin. Nakatingin si Xandie sa akin ng seryoso. Alam na niya kaya?
"Rainne. Bakit? Bakit hindi mo sinabi samin?" Nanlulumong tanong ni Xandie sa akin kaya nakagat ko ang ibang labi ko sa kaba.
"Hindi mo sinabi sa amin na Nagmomodel ka pala! Tapos famous ka pa! Ano ba yan! Ang ganda mo sa mga pictures oh!" Pinakita niya sa akin yung mga copy niya ng pictures ko ng nagmomodel ako. Napakamot ako sa aking ulo.
"Nakakahiya Xandie! Tago mo na yan!" Pasigaw kong sabi. Ayoko kasi talagang malaman nila na nagmomodel ako. I don't want to brag my Modelling Career to them. Napalingon naman sila samin.
Ngumiti sila tapos parang tuwang tuwa. May lumapit sa akin na babae. Sa tingin ko'y isa siyang Senior High School.
"U-Uhmm D-Danie---" Naputol yung sasabihin niya ng nagsalita ako.
"Rainne na lang ang itawag niyo sakin." Sabi ko sa kanya ng naiilang.
"A-Ahh sige Rainne. May tatanong lang ako sayo. Nagmomodel ka ba?" Nahihiyang tanong niya. Ngumiti ako ng alanganin at tumango ng bahagya.
"OMG! So totoo pala yung kumakalat dito sa FA? Dumadami na ang mga models sa FA!" Sabi niya na tuwang tuwa. Ngumiti ako sa kanya.
"Pwede bang sumali ka sa Modelling Club?pleaseee? We need two more students in our Club." Pakikiusap niya sa akin. Napaisip ako. Marami namang pwedeng sumali doon sa Modelling Club.
"Pero may iba namang students na pwedeng sumali sa club niyo? Ang dami kayang studyante dito." Sabi ko sa kanya.
"Yeah you're right. We have a lot of students in our school. Pero nag announce na ako sa kanila na kung may gustong sumali sa modelling ay pumunta lang sa Club namin pero walo lang ang pumunta and because of that, we need two more students. Ano payag ka ba? Sama mo na lang yung Bestfriend mo." Sabi niya. Sige na nga. Sasali na ako pati si Xandie.
"Okay. Sasali na kami basta bukas itetext na lang kita. What's your name po and your phone number?" Ipupush ko na itong modelling.
"Pero Rainne, hindi ako marunong magmodel!" Xandie said na halatang dismayado.
"Ano ka ba, kaya nga tayo sasali para matuto tayo. Okay lang yan!" Pagche cheer ko sa kanya. Umirap na lang si Xandie sakin.
"Hahaha! We will teach both of you. By the way. Here's my number. Just save it 093********. I'm Kim Lyn Joo. Nice to meet you guys." Sabi ni Kim Lyn Joo. Ang cute ng name niya.
Ngumiti kami sa kanya at napagpasyahan na naming pumasok.
**
*FAST FORWARD*
"Libre mo na kasi kami Amiel!"
"oOo nga, minsan lang naman eh!"
"Tss. Ingay niyo."
"Tsk. Ang yayaman niyo kaya. Wag ako si Kyle na lang!"
"Pass muna ako mga bro. May bibilhin kasi ako eh."
Ang ingay diba? Alam niyo naman kung sino sila. Sila lang naman ang BIA. Simula ng pinakilala nila kami ni Xandie sa BIA ay naging kaibigan na rin namin sila. Marami nga n naiinggit samin ni Xandie pero hindi na lang namin pinapansin.
"Ang ingay niyo naman! Ako na nga lang manlilibre!" Bigla akong napalingon kay Xandie. Anong nakain nitong babaeng ito?
"YES!"
Sabay sabay na sabi ng BIA except lang pala kay Ethan na isang gwapo ngunit cold naman kung makitungo. Ano kayang problema palagi nito?
"Kapag ako nagpapalibre sayo puro sinasabi mong wala kang pera. Ang daya mo naman Xandie eh!" Sabi ko sa kanya at napanguso. Masyado kasing kuripot yan si Xandie pero ang yaman naman.
"Hayst. Syempre ganun talaga Rainne. Pabirthday ko na rin ito sa inyo. At saka bukas pala pumunta kayo sa house namin. Invited kayong lahat and syempre night party yun." Halata sa kanya na excited na siya sa kaarawan niya.
"Yown! Nagbibirthday ka pala? Wahahaha!" Pang-aasar ni Amiel kay Xandie at napangisi ito.
"Hindi ka pala invited Amiel, walang panget na pupunta sa bahay namin." Balik na sagot sa kanya ni Xandie na ikinatawa namin.
"Eto naman hindi ka mabiro. Bawiin mo na yung sinabi mo Xandz!"
"Anong Xandz! Hindi ako buhangin okay? At saka. . ." Nakangising lumapit ito kay Amiel at bumulong na rinig rin namin. "Kapag sinabi ko, wala ng bawian."
Iling iling na lumayo siya at nakita kong sumimangot si Amiel.
"Tss. Ingay niyo." Napalingon ako kay Ethan na halatang naiingayan na sa amin. Ganun talaga siguro kapag ang lamig ng pakikitungo mo sa tao, naaapektuhan pati ugali mo.
Tumayo ako at inilagay sa bulsa ang aking kamay at naglakad patungo sa kanya. Nilingon ko pa saglit ang mga kaibigan ko na busy sa bangayan at tawanan at muling tinuon ang pansin ko kay Ethan na ubod ng sungit at cold.
"Psst." Pagsitsit ko at kinalabit ito. Tumingin ito sa akin na hindi nagbabago ang ekspresyon.
"Oh? May sasabihin ka ba?" Pagsusungit nito sa akin at bahagyang inirapan ako. Hindi lang pala cold ito, masungit din.
"Kumusta?" Diretsong tanong ko. Nakangiti pa ako para naman malaman niyang kahit malaki ang dinadala niyang problema ay may bago siyang kaibigan na makakaintindi sa kanya.
"Yan lang ba sasabihin mo? Pwede ka ng umalis." Malamig na sambit niya. Nawala ng kaunti ang ngiti ko at napalunok. Ganito ba talaga siya kacold makitungo? Tsk. Nakakainis naman ang ugali niya. Parang babae kung umasta.
"Ang sungit mo naman. Nangangamusta lang naman ako." Sabay irap ko sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan na magsungit din sa kanya. Sayang siya, ang pogi pa naman at ang cute. Gusto ko rin sanang maging crush ito pero ngayon pa lang, backout na ako.
"Tsk, pasikat kasi kayo. Ayokong kumausap sa mga pasikat na katulad niyo ng kaibigan mo. Makaalis na nga." Sabay tayo niya at lumakad paalis. Naiwan naman akong tulala sa sinabi niya.
Ganun pala ang tingin niya samin ni Xandie. Pasikat at papansin sa kanila. Nabalik lang ako sa ulirat ng tinapik ako ni Xandie.
"Okay ka lang ba Rainne?"
Tumango tango naman ako at bahagyang ngumiti. Sa totoo lang masakit yung sinabi ni Ethan. Mukha ba kaming pasikat? Hindi ba porket kasama namin yung mga kaibigan niya ay gusto lang namin na maging sikat? Grabe naman iyon.
"Tara na. Tumawag yung daddy mo sakin. Sabi niya umuwi ka daw mamaya ng maaga."
"Okay, sige. Teka lang pala," Napahinto ito at tumingin sa akin ng nagtataka at nakakunot ang noo. "Paano mo nalaman yung number ng daddy ko? Tsaka close ba kayo ng Daddy ko?" Tanong ko sa kanya. Nagtaka naman ako at parang hindi siya mapakali.
"A-Ahh a-ano kas-si u-mm---" Naputol siya sa pagsasalita dahil narinig namin na tinatawag na kami nila Kyle Adrian.
"T-Tara na Rainne!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya at basta na lang ako hinila kaya hinayaan ko na lang.
**
*FAST FORWARD*
"Basta bukas Xandie ha? Text mo na lang ako." Sabi ko sa kanya sabay kaway dahil pauwi na rin siya. Ngumiti ito at nag thumbs up.
Anyway, nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Dapat nga papapasukin ko siya kaya lang bigla bigla siyang umiling kanina. Ang weird diba?
By the way, tinext ko yung driver namin na sasabay ako sa kaibigan ko kaya wag niya na lang akong sunduin.
Kaya hayan.
Pumasok na ako sa loob ng gate namin at naglakad na. Habang naglalakad ako ay bigla na lang may tumakip sa bibig ko at sa mata ko. Bigla akong kinabahan. Sinusubukan kong sumigaw kaya lang mukhang walang nakakarinig sa akin dahil nakatakip ang bibig ko.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kumidnap sakin basta ang alam ko lang naglalakad na kami. Naisip ko na lang bigla yung mga alaala na meron ako. Yung mga masasayang araw na nangyari sa buhay ko.
Kung simpleng kidnapan lang ito edi sana nanghingi na siya ng kung ano ano sakin pero yung dadalhin ako sa isang lugar? Nafefeel ko na ang katapusan ko. Bigla na lang akong lumuha. Hindi lang isang patak kundi sunod sunod ang patak niya. Humihikbi na rin ako.
Narinig ko na nagsalita yung isa.
"Patay tayo nyan! Umiiyak siya!"
Dinig ko sa sinabi niya. Teka—parang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi ng taong kumidnap sa akin. Sinong matinong tao ang hindi maiiyak kung may kumidnap sayo? Sinong tao ang hindi maiiyak kung nararamdaman mo ng katapusan mo na?
Mamamatay ka na't lahat lahat magagawa mo pang maging masaya at tumawa? Hindi ko alam kung saan napunta ang utsk ni kuya, tsk.
"My gosh! Bakit mo tinakpan mata ko?! Enebe! Isusurprise mo ba ako?! Papatayin niyo ba ako?! Ang saya naman nun, Naeexcite na tuloy akong mamatay!hehehe!"
Ganyan ba yung gusto nilang maging reaksyon ko bago ako mamatay? Ang utak sana pinapagana.
"Kasi ikaw eh! Baka naman ang higpit ng pagtakip mo sa kanya? Tsk. Malalagot tayo nito eh!"
Rinig kong saad ng isang lalakeng nakatakip sa mata ko na tila'y natataranta.
Narinig ko na may nagclick. Mukhang binuksan nila ang pinto. Sa tingin ko nasa loob na ako ng bahay. Familliar yung bango ng bahay na ito. Unti unti naman nilang tinanggal ang pagkatakip sakin.
Napakusot kusot pa ako ng mata dahil sa labo ng paningin ko. Kumapa kapa pa ako para mahawakan sana ang taong kumidnap sa akin pero sa tingin ko'y wala na sila. Nang mag adjust ang paningin ko sa pagkakatakip sa akin, napakunot ang noo ko.
"N-Nandito ako sa bahay namin? Bakit ang dilim?"