14

1500 Words
"Bitiwan mo nga ako--" Hinarang kaming dalawa ni Atlas ng guard na nakabantay sa labas ng bar niya kaya't kumunot ang noo ko. "Sir, bilin niyo na huwag papasukin dito si Ma'am dahil baka manggulo na naman." My jaw dropped before looking at Atlas with annoyance written on my face. Anong sabi niya? Ang dahilan ng hindi niya pagpapapasok sa akin dito sa bar ay dahil... ayaw niyang manggulo ako? Excuse me?! "Ako? Manggugulo?" mariing bulong ko kay Atlas na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Atlas sighed, "She's with me." Tumango siya sa bouncer bago ako tuluyang hinila papasok sa loob ng bar niya. Pilit akong kumawala sa hawak niya pero mukhang wala talaga siyang balak na bitiwan ako kaya't hinayaan ko na. Besides, parang suntok sa buwan nga ang kalagayan namin ngayon. Duh, Atlas Beaufort hates my guts! Kaya sino namang mag-aakala na hawak niya ang kamay ko ngayon? Pinaupo niya ako sa stool sa harap ng bartender bago siya umupo sa tabi ko. "Order whatever you want. It's on me," sambit niya. Umawang ang mga labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "W-What? Akala ko ba, kakasabi mo lang kanina na ayaw mo akong pumunta rito sa bar mo kasi manggugulo lang ako. Tapos ngayon, sasabihin mo, um-order ako ng alak at magpakalasing kasi ikaw ang magbabayad?" From my direction, I noticed how his jaw clenched, unable to answer my question. See? Pati siya, naguguluhan na rin sa sarili niya! Pabago-bago kasi siya ng desisyon kaya ayan... hindi lang ako ang naguguluhan, pati na rin siya. I drew in a long breath before I glanced towards the bartender. "Ma'am," bati nito sa akin nang makilala ako. Tipid ko siyang nginitian. "Limang vodka red bull." Kahit malakas ang tunog sa loob ng bar, hindi pa rin nakatakas sa tainga ko ang sunod-sunod na pagbuntong hininga ni Atlas sa tabi ko. I couldn't help but smirk. Serves him right! Minsan nalang ako mailibre ng alak-- isa pa, I am so broke right now! Wala na akong pera dahil wala akong mahanap na trabaho, kaya buti nalang at ililibre niya ako. "Anong naisip mo at inilibre mo ako bigla? I mean, alam ko naman na marami kang pera but..." I clicked my tongue before looking at Atlas. "I thought, you hate me? Bakit mo naman ako ililibre kung galit ka sa akin?" He lifted his shoulder in a half shrug as he fixed his collar, revealing his neckline. Wala sa sarili akong napalunok habang nakatingin sa kaniya. Damn. "You said you just wanted to unwind, so I figured out that you had a bad day." Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. Eh, ano naman kung masama ang araw ko? Ano naman sa kaniya? He hates me so why would it matter? Magsasalita pa sana ako ngunit agad din akong natigilan nang ilapag na ng bartender ang in-order ko. I immediately grabbed it and chugged it down like water... no chaser. Ramdam ko ang titig sa akin ni Atlas kaya't tumingin din ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "What?" I mouthed. He sighed and massaged his temples, clearly regretting his decision on bringing me here. Napangiti ako dahil nainis ko na naman siya. Nakatatlong baso na ako at kukunin na sana ang pang-apat nang pigilan ni Atlas ang kamay ko sa pagkuha. I immediately grunt as I looked at him, annoyed. "Ano na naman?" inis na tanong ko. "Why are you drinking that? Order something else. Hindi ka makakatulog--" "Oh, please," pagputol ko sa kung ano mang sasabihin niya at malakas na humalakhak. "I need some energy for tonight... lots of it," malanding sambit ko. His bloodshot eyes met mine. Hindi na niya kailangan pang magsalita para sabihin na dahil sa sinabi ko, mas lalo pa siyang nainis sa akin. Dahil din sa reaksiyon niya ay mas lalo pa akong natawa. Bakit ba galit na galit siya? I told him that I want to unwind! Kailangan ko ng maraming energy para... I unconsciously roamed my eyes around the bar, looking for a prey. Ilang pares ng mata ang nakatagpo ng mga mata ko pero wala akong natipuhan. Wala akong type! Ang papangit! Abala ako sa paghahanap ng lalaking lalandiin at iinisin ko ngayong gabi nang malakas na ibinaba ni Atlas ang hawak niyang baso sa lamesa, almost shattering it! Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nainom na pala niya ang dalawang cocktail na tira ko! "What the... akin 'yan, ah!" "What are you doing?" tanong niya habang kunot ang noong nakatingin sa akin. Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa adams apple niya na nagtataas baba. I groaned. "Gusto kong mag-enjoy ngayong gabi---" "f**k it," muling pagputol niya sa kung ano mang dapat ay sasabihin ko. "I don't have a choice but to stay here with you all night, then?" For the umpteenth time, my jaw dropped. Nanlaki ang mga mata ko habang pinoproseso ang sinabi niya. "W-What? Anong dito ka lang? Doon ka! Gusto kong mapag-isa---" "Huh!" Malakas na pang-aalaska niya. "You want to be alone pero naghahanap ka ng lalaking ikakama mo?" Hindi ako kaagad nakapagsalita at sa halip ay takang tumingin sa kaniya. Anong... ikakama? Lalaki? Ako? Magkakama ng lalaki? What the f**k? Iyon ba talaga ang iniisip niyang gagawin ko? I've never done it before! Hindi ako pinalaking ganoon nina Mama at Papa. Yes, I had a fair share of make out session from other guys but... it's just that! No more, no less! Kaya't anong sinasabi nitong si Atlas na naghahanap ako ng lalaking maikakama? Tingin niya ba talaga ay ganoon akong klaseng babae? "Isang shot ng Four Horsemen No. 3," seryosong order ko sa bartender na agad niya namang inagapan. Hindi ko pa rin pinuputol ang pakikipagtitigan kay Atlas. "Do you really think that I am that kind of girl?" inis na tanong ko. He scoffed. "What do you want me to think? That's your reputation here." Nag-igting ang panga ko. Oh, right. Sabagay. Kung hindi niya ako tuluyang kilala at hindi niya talaga alam ang mga pinag-gagagawa ko sa buhay, hindi niya malalaman na laro-laro lang naman sa akin ang lahat. "Here, Ma'am. Don't drink it in one-go because---" Hindi pa man tuluyang nagtatagal ang shot glass sa harapan ko ay agad ko na iyong tinungga habang nakikipagsukatan ng tingin kay Atlas. Bottoms up. Napangiwi ako nang gumuhit sa lalamunan ko ang alak. f**k. "Ma'am--" "I'll handle it," rinig kong sambit ni Atlas sa bartender bago iyon pinaalis sa harapan namin. Hinawakan niya ang braso ko. "You know that it's a very potent drink, right? That will be your last one. Baka hindi ka na makabangon kinabukasan kung susundan mo pa." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at mapaglarong ngumisi. Mas lalo namang dumilim ang mga mata ni Atlas habang nakatingin sa akin kaya't mas lalo pa akong na-excite. Damn. It must be the effect of the alcohol. I smirked as I leaned closer to him. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na lumapit sa kaniya nang ganoong kalapit, our lips were only a few inches apart from each other. "Danielle--" "Ayaw mong maghanap ako ng ikakamang lalaki, hmm?" Umawang ang mga labi niya, marahil ay hindi inaaasahan ang tanong ko. He cleared his throat before he slightly pushed me away. Yes. Slightly. Tinulak niya ako palayo pero lumapit din naman siya kaya't parang wala rin. "O-Of course, I don't want you fooling around with strangers. You are my responsibility because I brought you here--" I licked my lower lip while looking at his plump lips. Mukhang napansin niya naman iyon nang umigting ang panga niya at hirap na huminga... as if he's trying to restrain himself. "Bakit pa ako maghahanap ng iba?" I playfully asked him as I seductively traced my finger on his chin to taunt him. "Nasa harap lang naman kita." "No, stop this, Danielle..." He held my cheeks and pulled me even closer to him. I smirked. "Stop this." "Stop what?" "This." Before I could even speak, our lips were already glued together. And no, it wasn't just a simple smack. He is literally devouring me like a deprived animal. "You should stop taunting me. I won't be able to stop myself... you know that." Mahina akong natawa. He said I should stop taunting him... but he was the one who kissed me first. I didn't force him. Kasalanan ko bang naakit siya? His words are contradictory... and I f*****g love it. Instead of answering him, I claimed his lips as if I am intoxicated. I am perfectly sane despite the amount of alcohol I drank. I am sober and I know what I'm doing. "Why would you even stop yourself?"I whispered in between our kisses. "I am the only one who will get to tell you when to stop... not the other way around. I am the one running this game, hun. Ako ang masusunod." I smiled triumphantly. I finally found my prey for tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD