Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman kay Atlas.
He sent flowers to Maurice's condo the other day, thinking that I am still there. Ito namang si Maurice, mas lalo pa akong tinanong kung kanino galing!
I tried explaining that there's really nothing going on between Atlas and I pero dahil sa ginawa ni Atlas, hindi ko na makumbinsi si Maurice. At this point, baka isumbong na ako noon kina Mama at Papa--- at hindi 'yon pwedeng mangyari.
Kapag nalaman nina Mama at Papa, pipilitin nilang ma-meet si Atlas... paano ko naman ipakikilala sa kanila si Atlas kung wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa?!
Mamaya, baka isipin pa niya ay magdedelusyon ako na may gusto siya sa akin!
Humugot ako ng malalim na buntong hininga habang nakatayo sa labas ng bar ni Atlas. Nasa gilid lamang ako at matiim na pinagmamasdan ang mga pumapasok sa loob.
God! Gulong-gulo na talaga ako sa Atlas na 'yan!
The last time, he sent me flowers... tapos ngayon, ayaw akong papasukin ng bouncer sa loob dahil bawal daw-- utos ni Atlas! Ewan ko ba sa kaniya. Hindi niya na rin yata alam kung anong dapat niyang maramdaman sa akin.
Galit ba siya?
Pero bakit naman? Wala akong ginagawa sa kaniya kaya hindi ko alam kung ano bang ikinagagalit niya.
Umayos ako ng tayo nang tumunog ang cellphone ko. I looked at the caller ID before answering the call.
"Hmm, Kuya Dylan?"
"Maurice called me. Naikuwento na niya ang nangyari kanina--"
"Kuya," I immediately cut his words off. "Puwede bang huwag nalang muna nating pag-usapan 'yan? I'm... exhausted."
Hindi kaagad nagsalita si Kuya Dylan sa kabilang linya, marahil ay tinatantiya ang mood ko. I had the worst day ever, and I thought going to a bar would help me ease my irritation... tapos hindi pa ako pinapasok!
"Are you sure you're okay? Danielle, I know you. Kilala ka namin. You don't know how to accept rejections," mahinahong sambit ni Kuya Dylan.
I let out a harsh breath. "Ano pa bang ibang magagawa ko kung hindi maging okay? Ayaw nila akong tanggapin, e 'di h' wag! Ang papangit ng taste nila!"
"Danielle..."
"Marami pa namang iba diyan. I'll just find another one."
"Where are you? Pupuntahan ka namin--"
"Uh-huh. No, no, no," mabilis na pigil ko sa kaniya. Kapag sinabi niyang 'namin', ibig sabihin, pati sina Maurice at Iverson, isama niya rin. "I'm fine. I can deal with it by myself. Gusto ko rin munang mapag-isa para makapag-isip-isip."
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. I scoffed. Talagang mag-isa ako rito sa labas! Ugh! Bakit ba kasi ayaw akong papasukin sa loob?
"Fine. If you need me, tawagan mo lang ako, all right? Kapag hindi mo ako ma-contact, tumawag ka nalang sa presinto. Nasa duty ako."
I couldn't help but chuckle. "Nasa duty ka tapos sabi mo kanina, pupuntahan niyo ako?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
Kuya Dylan sighed. "Ibinilin ka sa amin nina Tito at Tita. It's our responsibility to make sure that you're okay," mahinahong paliwanag niya.
I let out a bitter laugh. Oh, right.
"Where are you? Sabi ni Maurice, you moved out the other day. Bakit hindi niyo sinabi sa amin ni Iverson? Nakatulong sana kami sa paglilipat," tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"I'm doing well on my own. Well, nakakapanibago na mag-isa na ako sa bahay, but I'll just seize this moment. Babalik na rin naman ako sa Batangas pagkatapos nito..." may halong pait na sagot ko.
"You're still not answering me, Danielle. Where are you right now? Para kung sakaling mawala ka nalang bigla, alam ko kung saan kita pupuntahan."
Wala sa sarili akong natawa dahil sa sinabi niya. Mawala ako bigla? Ano ako? Bata?
Napailing na lamang ako.
"Nasa bar ako..." I halted. "Oh, nasa labas pala. Ayaw akong papasukin ng owner."
Muli, namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Kuya Dylan. Saka ko lamang napagtanto ang sinabi ko.
"I-I mean, w-wala akong ginagawang trouble, ah!" Mabilis na paliwanag ko. "Sadyang mainit lang talaga sa akin ang dugo no'ng owner. Gandang-ganda siguro sa akin."
Bumuntong hininga si Kuya Dylan kaya naman naiimagine ko na ngayon ang sunod-sunod niyang pag-iling. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Sigurado akong pinag-alala ko na naman siya.
"Don't worry, hindi ako madadala diyan sa presinto mo ngayong gabi," dagdag ko nang hindi siya nagsalita.
"Siguraduhin mo lang, hmm? But if you need me, don't hesitate to call me, 'kay? Alam mo naman siguro na kapag nakarating pa 'yan kina Tito at Tita, talagang pababalikin ka talaga sa hacienda."
"Alam ko naman 'yan. The best thing that I could do right now is to stay away from trouble, so don't worry, okay? I got this."
Kuya Dylan sighed. "Fine. I have to hang up, my superiors are here.Text me your address para alam ko kung saan kita pupuntahan, okay?"
Mukhang nagmamadali si Kuya Dylan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa sinabi niya kahit na wala naman akong balak na sabihin sa kaniya kung nasaan ako. Isa pa, ayaw nga akong papasukin sa loob ng bar!
I just wanted to unwind after a long stressful day... tapos pati ba naman iyon, bawal?
I am typing my address on my phone when I felt a presence behind me. My brows drew in a straight line as I gulped.
Magnanakaw ba? Mambabastos?
Damn! Kasalanan 'to ni Atlas! Kung pinapasok niya kasi ako kaagad sa---
"What are you doing here?"
Muntik na akong matumba nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likod ko. Agad akong humarap sa kaniya at masama siyang tiningnan.
"Baka kasi ayaw akong papasukin ng may-ari sa loob?" sarkastikong tanong ko at umirap sa kaniya.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya nang marinig ang sinabi ko. Yes. The man in front of me is the owner of the bar himself... Atlas Beaufort.
Tumaas ang isang kilay niya bago naglandas ang mata niya sa aking katawan. I am wearing a corporate attire, black tube top with wine-red blazer and black skirt.
Mukhang nagtataka siya sa suot ko dahil hindi naman ganito ang isinusuot ko sa tuwing pumupunta ako sa bar. Umayos ako ng tayo bago ipinagkrus ang aking mga braso.
"Kung may galit ka sa 'kin, sabihin mo agad. Hindi 'yong pagbabawalan mo ako sa bar kahit na customer naman ako," mataray na sabi ko.
"Marami pang ibang bar--"
"Pinaka-safe rito," I cut his words off. "Do you really think that I'll compromise my safety just to drink?"
Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko kaya naman wala sa sarili akong napalunok. Damn... he's really... attractive, hmm?
"I forgot to tell the bouncers to let you in. Besides, I wasn't expecting you to come here. Why are you here... alone?"
I scoffed. Ayan na naman siya at ang problema niya sa mga pinsan ko!
"I just want to unwind. Malay ko ba na hindi pala ako papapasukin ng masungit na may-ari at mukhang galit na galit sa 'kin," sagot ko at muli siyang inirapan.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umirap sa kaniya, basta ang alam ko, masakit na ang mata ko kakairap.
"Hmm?" I swallowed the lump on my throat when Atlas suddenly stepped forward, crossing the distance between us.
"Wha--"
Before I could even finish my sentence, he already snaked his arm around my waist and pulled me closer to him. Umawang ang mga labi ko nang maramdaman ang katawan niya sa katawan ko.
"Galit na galit?" He whispered on my earlobe, making me shiver. Ramdam ko ang marahang paggalaw ng kamay niya sa beywang ko kaya naman muli akong napalunok. "Akala ko ba... gandang-gandang ako sa 'yo?"
My eyes widened. He heard me?!