“You’re moving out?”
I sipped on my tea before glancing towards Maurice’s direction. Marahan akong tumango at ibinaba ang hawak kong tasa ng tsaa. “For a change.”
“Danielle, kalilipat mo palang dito sa Manila. You don’t know how to live alone.”
“Well, I WON’T know if you won’t let me,” tugon ko habang umiiling. “You know what, ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na how can I become independent kung palagi akong nakadepende sa ‘yo. Yes, I stopped depending on my parents mula nang pumunta ako rito sa Manila, but look at what happened to me... to us. I can’t consider myself being independent at this point.”
Malakas na bumuntong hininga si Maurice. Bakas sa mukha niya na maging siya ay naguguluhan din sa sitwasyon at sa biglaan kong pagdedesisyon. Hindi ko rin naman siya masisisi. I made this decision impulsively... in fact, kagabi ko lang naisip bago ako matulog.
My encounter with Atlas made a significant point to my decision. I remembered how he told me that my cousins are always there to back me up. Well, of course, it’s a good thing that I have supportive people around me. But at some point, unknowingly, I took them for granted.
I am too comfortable with my life to the point that I don’t know what will happen to me without them by my side.
“Alam na ba nina Ninang N ang tungkol sa paglipat mo sa dati niyong bahay?”
I nod. “Actually, siya nga ang nagsuggest na roon ako tumira. I rejected her idea at first but now... mukha ngang mas makabubuti sa akin kung doon ako titira.”
"Danielle, I know I've been telling you to be independent but..." Malakas na bumuntong hininga si Maurice at humarap sa akin. "You know... the secret..."
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman ako na ang nag-iwas ng tingin sa kaniya. She's just like my parents-- pare-parehas silang hindi maka-move on.
"Maurice, that secret is long-overdue. Kung tutuusin, hindi na nga 'yan dapat secret."
"Danielle naman," agad na banta niya sa akin. "Marami ang magkaka-interes sa hacienda niyo kung puro ka ganiyan. Your family protected it for a long time. Sa iyo lang dapat ang hacienda. Kapag nalaman nila ang tungkol diyan--"
"You know what, why don't you calm down? Ayos na naman, Maurice. Maayos na ang lahat. Look at me now, mukha bang mapapabayaan ko pa ang sarili ko ngayon, hmm?"
Walang nagawa si Maurice kung hindi ang mapailing dahil sa sinabi ko. Alam kong ayaw niya rin namang pag-usapan pa namin ang tungkol sa bagay na iyon kaya't hindi na siya nagpumilit pa.
"If you're going to live alone, who would cook for you? Your laundry? Sinong maglilinis ng bahay? Do you know how to pay your bills?"
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sunod-sunod na tanong sa akin ni Maurice. Sa lagay na ito, mas mukhang siya pa ang nanay ko kesa kay Mama.
"Come on, marunong naman ako niyan. Tingin mo ba talaga, buhay prinsesa ako roon sa probinsiya? Takot ko nalang kay Mama saka kay Mamang Ichi."
Napailing na lamang si Maurice at mukhang tinanggap na lamang na wala na siyang magagawa pa para tutulan ang desisyon ko.
Akmang iinom na rin sana si Maurice ng kape niya sa mesa nang bigla namang tumunog ang telepono niya. My eyes landed on her phone, but before I could even see who called her, she immediately covered it.
My eyes formed into slits. "Work?" I asked while looking at her.
Maurice cleared her throat before nodding her head. I scoffed at her reaction.
"It's not about work, isn't it?" pahabol na tanong ko. She immediately looked at me, wondering. I sighed. "Is it a boy?"
"Danielle."
Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa. "Come on, it's obvious. Hindi mo na kailangang magtago pa sa akin. Why don't you answer it first? Hihintayin nalang kita rito."
Ilang segundo akong tinitigan ni Maurice na para bang tinatantiya niya kung nagloloko ako o hindi bago pa siya tuluyang tumayo at sinagot ang kung sino mang tumatawag sa kaniya.
I shake my head while laughing silently after she left. Who would have thought that Maurice would have a boy-problem?
Buhay nga naman, oh.
Sana lang hindi masamang lalaki ang mapatapat sa kaniya dahil kung hindi...
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tsaa nang makita ang bagong pasok sa coffee shop kung saan ako naroon.
Anong ginagawa niya rito?
Atlas made his way to the coffee shop without even minding his surroundings. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil baka mamaya ay mahalata niya ang presensiya ko.
Agad kong tiningnan kung saan naroon si Maurice dahil baka magkakilala sila ni Atlas ngunit nasa malayo siya at abala sa pakikipag-usap sa telepono.
My eyes formed into slit while staring at Atlas' direction. Abala siya sa pag-order kaya't mukhang hindi niya napapansin ang pagtitig ko sa kaniya.
He's wearing a white dress shirt and a slacks, as if he just got into a formal event or meeting. Hindi tulad ng mga pangkaraniwan niyang suot nitong mga nakaraang pagkikita namin... now, he looks a bit... more put-together. More handsome.
I couldn't help but gulp while looking at him. Totoo namang noong una ko siyang nakita, wala akong ibang first impression kung hindi ang weird niya at ang sama ng ugali. Wala na akong oras para i-admire ang mukha niya.
Mag-iiwas na sana ako ng tingin sa kaniya ngunit hindi ko man iyon nagagawa, nagtama na agad ang aming mga mata.
His brows drew in a straight line while looking at me. Mukhang kakatapos niya lamang mag-order at ipin-prepare na ang order niya.
I gave him a small smile and raised my tea cup. Nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya at nagpatuloy na sa pag-inom ng tsaa.
Natigilan lamang ako nang may umupo sa harapan ko. I thought it was Maurice at first, but the aura of the person in front of me is more than enough to tell me who it was.
"You're with someone?" bungad na tanong niya. His eyes landed on the cup in front of me.
"Obviously."
Tumingin ako sa gawi ni Maurice. Abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa kung sino man sa telepono niya kaya't nakahinga ako nang maluwag.
Ano na lamang ang iisipin niya kapag nakita kami ni Atlas?
"Your boy-toy?"
I immediately rolled my eyes upon hearing Atlas' question. Hindi ko alam kung sinabi niya lamang iyon para mainis ako o kung iyon talaga ang iniisip niya.
"Ano naman?"
"I'm just asking." He shrugged his shoulder as if it was nothing, but his bloodshot eyes gave away everything.
The corner of my lips curled up while staring at him. Is he jealous?
"Iba pa sa kasama mo sa condo?" tanong niya.
I rolled my eyes. "I told you, I'm with my cousin."
Gumuhit ang ngisi sa labi niya habang napapailing dahil sa dahilan ko.
I was just joking back then! Hindi naman pala siya marunong makipag-biruan.
"You know what, kung makapag-accuse ka, akala mo naman boyfriend kita or something. Wala na sa 'yo kung sinong kasama ko, all right? I can date anyone until I'm satisfied," mataray na sambit ko.
Wala sa plano ko ang tarayan siya dahil guwapo siya ngayon pero kasi...
I don't know! He's just keeps on getting on my nerves!
He let out a soft chuckle while shaking his head. Akala ko ay ma-ooffend siya sa sinabi ko kaya naman hindi ko ine-expect ang sunod niyang ginawa.
Atlas leaned on the table, his face is only a few inches away from mine. Tulad kanina, bakas pa rin ang mapang-asar na ngisi mula sa labi niya.
"Satisfied from what, hmm, Fontanilla?"
Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. I swallowed the lump on my throat and was about to answer him when he suddenly rose up from his seat.
"Think about it for some time. Maybe the one who can give you the satisfaction that you want.... is just in front of you," maangas na sabi niya at tinalikuran na ako.
My jaw dropped upon hearing what he said. Hindi ko alam kung pareho kami ng iniisip pero...
Dire-diretso si Atlas papunta sa counter at kinuha na ang tinake-out niyang pagkain. My brows drew in a straight line. Transparent ang packaging ng pastries kaya naman mula sa direksiyon ko, kita kong cake iyon... chocolate at strawberry cake.
Mahilig ba siya sa sweets? May pagbibigyan?
Sino? His girlfriend?
"Who is that guy?"
I was pulled out of my own reverie when I heard Maurice's question. Umupo siya sa harapan ko at kunot-noo akong tiningnan.
"Just..." Malakas akong bumuntong hininga bago umiling. "Someone."
"Hmm?"
"Huwag mo na akong tanungin kung ayaw mong tanungin din kita kung sino 'yong katawagan mo," pagbabanta ko sa kaniya.
Maurice laughed while nodding her head. "Uh-huh. So it's a boy problem, too, hmm, my dear cousin?"
I rolled my eyes.
Damn, that guy! Babawian ko talaga siya!