11

1435 Words
“Dito nalang. You don’t need to go inside.” Bahagyang humarap sa akin si Atlas at tinaasan ako ng kilay. “Why? You have another man inside?” I automatically rolled my eyes upon hearing his question. Saan niya ba nakukuha ang mga ganoong tanong? Duh? Mukha ba akong nagdadala ng lalaki sa bahay? “Oh, yes. I have tons of them inside,” pang-aasar ko at tinaasan din siya ng kilay. Mukhang nainis naman siya sa pamimilosopo ko kaya’t nag-iwas siya ng tingin. I scoffed. Siya naman pala itong pikon sa aming dalawa, e. I reached for my bag before I opened the door. Mukhang wala naman siyang balak na pagbuksan ako ng pinto kaya’t ako na ang nagbukas para sa sarili ko. What a red flag. Hindi gentleman. Samantalang si Papa, kahit na magkaaway sila ni Mama at hindi nag-iimikan, pagbubuksan pa rin niya ng pinto si Mama. “Thank you for dropping me off. I’ll just call Anastasia nalang later,” sambit ko at bumaba na. Hindi siya nagsalita kaya’t muli akong napairap. “And by the way, I am living with my cousin. I don’t have a man.” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at naglakad na papasok sa loob. I couldn’t help but sigh while walking inside. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam kung bakit ang init ng dugo sa akin ng lalaking iyon. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya pero kung makapagsalita siya, para bang magkaaway kami sa previous life namin. “Who’s that guy?” Muntik na akong mapatalon nang biglang may magsalita sa gilid ko. Awtomatiko namang tumaas ang kilay ko nang makita si Maurice na nakasandal sa pader sa may lobby at nakakrus ang mga braso na para bang kanina pa siya naghihintay. “What are you doing here sa baba?” She sighed. “Aba, malamang hinihintay kita kasi umuulan. Where’s your car? Saan mo iniwan? Bakit sa iba ka sakay? I’m pretty sure, hindi Grab ang sinakyan mo kasi---“ “Chill, chill,” I immediately cut her off. Humarap ako sa kaniya at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis. “Masiyado ka namang paranoid diyan. Ang dami mong tanong.” “So, nasaan nga ang sasakyan? Ipapaalala ko lang na hindi mo kotse ‘yon, Danielle. Kay Dada ‘yon.” And now that she mentioned it, saka lamang tuluyang nagsink-in sa akin ang nangyari. Oh, gosh. Nasira ko ang kotse ni Papa! Paano ko ieexplain sa kaniya na nasira ko ang kotse niya, samantalang kailan lang nang payagan nila akong tumira rito sa Manila? I heaved a deep sigh and gently massaged my temples. “Nasira. Bigla nalang hindi gumana noong paalis na ako kanina. I swear, hindi ako naaksidente or something. It just... you know... happened,” pag-eexplain ko kay Maurice. Just like what I have expected, mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Maurice nang marinig ang sinabi ko. I immediately faced her and clasped both of my hands. “Please, don’t tell Papa. Ipapaayos ko naman ‘yong kotse niya, promise. Huwag mong sabihin sa kanila, please? Huh? You love me naman, Maurice, ‘di ba? You won’t tell them naman?” Agad na pagmamakaawa ko. “Danielle, sabi ko naman kasi sa ‘yo na huwag ka nalang umalis, ‘di ba?” “Oo na, oo na. You knew better kaya dapat, sa ‘yo ako nakinig. Alam ko na naman ‘yon, Maurice. No need to rub it on my face. Nasira ko ‘yong kotse ni Papa but... at least nakauwi ako nang buhay, right?” “Speaking of pag-uwi...” Malakas na bumuntong hininga si Maurice at tuluyang humarap sa gawi ko. “Who brought you home?” “Maurice naman. Pati ba naman ‘yon?” Her right brow rose up as she crossed her arms over her chest as if she’s a mother scolding her child. “What do you mean, ‘pati ba naman ‘yon?’, huh, Danielle? I clearly saw him. Lalaki ‘yong driver tapos magkausap kayo. Who is he?” “Wala nga---“ “Your new boy toy?” Hindi ko siya sinagot at sa halip ay nauna nang maglakad sa kaniya. Agad ko rin namang naramdaman ang presensiya niya sa gilid ko kaya’t hindi ko napigilang mapairap. One thing prominent about Maurice is that... she’s freaking persistent! “Come on, Danielle. I’m asking you,” pangungulit niya pa. “Wala nga sabi. He’s just... a driver. Oo, driver ni Anastasia. Oh, ano? Are you still going to question me?” “And? Ano naman kung driver siya ni Anastasia? You can love him...” I rolled my eyes for the umpteenth time. Alam ko naman na hindi matapobre si Maurice, at isa pa, medyo may pagka-hopeless romantic din itong isang ‘to kahit hindi halata. But to think that she thought I’ll date Anastasia’s driver... No offense to drivers, okay? Some of them are quite ‘hot’ but... “Hindi ganoon ang type ko, Maurice,” paglilinaw ko. “So, who is he? Kung sinasabi mo kasi kaagad, e ‘di sana, hindi na kita kinukulit—“ “Wala nga, Mauri—“ “Okay, I’ll just tell Dada and Ninang N nalang that you—“ “Fine, fine!” I immediately cut her words off before glancing at her. I saw how the side of her lips curled up as if she succeeded on her task. f**k. Wala talaga akong kawala sa kaniya kahit na anong mangyari. “So...” Nagtaas-baba ang kilay niya nang magtagpo ang mga mata namin kaya naman sumimangot ako sa kaniya at muli siyang inirapan. “He’s Atlas Beaufort, Anastasia’s soon to be stepbrother.” “And?” I shrugged. “That’s it.” Pinanliitan ako ng mata ni Maurice at mukhang halatang-halata na hindi naniniwala sa sinasabi ko. Of course, I told her the truth... but not the ‘whole’ story. Totoo naman na stepbrother ni Anastasia si Atlas, ano. It’s just that, I don’t want Maurice to know about Atlas and I’s previous encounters. Baka lokohin niya pa ako o kaya pangaralan na naman. I swear, having Maurice around, it’s as if I have another mother aside from my own mother. Siguro ay nasanay lang siya sa pagdidisiplina sa mga kapatid at sa sarili kaya pati sa ibang tao, ganoon na rin siya. “You met him a while ago?” she asked and I immediately answered with a simple nod. “Wow. He must be so nice, huh? I mean, come to think of it, you don’t really know each other that much. Isa pa, if he’s living with Anastasia’s parents, iba ‘yong route ng bahay nila so umikot pa talaga siya para maihatid ka tapos umuulan pa He’s so gentleman, hmm?” Ramdam na ramdam ko na kahit kaunti ay hindi kumbinsido si Maurice sa kung ano mang sinabi ko kaya’t tumigil ako sa paglalakad. “I told you, there’s nothing going on between us. Ngayon lang namin nakilala ang isa’t-isa, okay? Stop giving meanings to everything.” Marahang umling si Maurice bago muling tumingin sa akin. “’Yan ka naman. Palagi kang, ‘stop giving meanings to everything’. Lahat nalang walang meaning sa ‘yo... even relationships with other people. I’m telling you once and for all, Danielle. Stop playing with other people’s emotions. Hindi lahat ng tao katulad mo. Don’t entertain people if you’re still not ready to commit. Baka mamaya, bumalik sa ‘yo ‘yang pinaggagawa mo. I don’t know if you can’t handle the karma.” “Maurice—“ “I am speaking like this because I’m worried, Danielle. Hindi mo magugustuhan kung ikaw naman ang mapaglalaruan,” seryosong sambit niya at nauna nang maglakad. Hindi ako kaagad nakasunod sa kaniya. Nabato ako sa kinatatayuan ko habang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang sinabi ni Maurice. Fine. May mga pagkakataon talaga na lumalabas na pinaglalaruan ko ang emosyon ng ibang tao... but I’m trying. Sinusubukan ko naman na magkagusto. It’s just that... hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa mga lalaki sa buhay ko. Hanggang doon lang. No one can go through that phase. And I don’t want them to settle to that kind of ‘relationship’. Ayaw ko na ikulong sila at piliting makasama ang tulad ko na walang pagmamahal na kayang ibigay. I grew up being loved to the point that I don’t know how to love others... and it’s scary. It’s scray not being able to give anything to others. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD