10

1645 Words
Chapter Ten “Oh, gosh. Paano na ang kotse mo niyan, Danielle? Ang lakas ng ulan… ipapaayos mo pa?” I swallowed the lump on my throat as I scanned my car. Mabuti na lamang at may bubong ‘tong parking lot dahil kung hindi, baka basang-basa na kami rito dahil sa lakas ng ulan. I just found out that my car is malfunctioning right after we went here. “Ayos pa naman ‘to kanina noong iniwan ko. This is my Papa’s car so… baka dahil sa kalumaan? Hindi ko pa rin kasi napapaayos mula nang ibinigay niya sa akin kasi hindi naman ako umaalis noon sa hacienda,” mahinang sambit ko. I tried so hard to stop myself from bitting my nails but out of panic, I just found myself biting it like a damn child. Agad akong tumigil at umayos nang tayo nang mapansing nakatingin na naman sa akin si Atlas at nakataas ang kilay nang makitang kinakagat ko ang daliri ko. Nakakahiya! “Why don’t you call your parents? Siguro naman may driver kayo, ‘di ba? Magpasundo ka nalang,” Anastasia suggested before checking her wrist watch. “Gabi na rin kaya mahihirapan kang magcommute kung magcocommute ka.” “I am not with my parents. Hindi ko ba nasabi sa inyo na hindi ko sila kasama rito sa Manila? Pinsan ko lang ang kasama ko sa bahay,” giit ko at muling tiningnan ang sasakyan ko na kanina ko pa sinusubukang paandarin pero ayaw talaga at nagbubuga lamang ng itim na usok. Ugh! Bakit ba palagi akong minamalas kapag nararamdaman ko ang presensiya nitong si Atlas? Noong hindi ko naman siya nakakasalamuha, hindi naman ako minamalas nang ganito. Alam kong mali na sisihin ang ibang tao sa sariling kamalasan pero kasi… “Then call your cousin.. ‘di ba palagi ka namang tinutulungan ng mga ‘yon? Tanda ko pa noong College tayo—“ “Kapag tumawag ako sa mga ‘yon, malalaman ni Papa na nasira ko ang kotse niya,” pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin ni Anastasia at malakas na bumuntong hininga. “Baka pabalikin ako no’n sa Batangas nang wala sa oras, ano. Mas gugustuhin ko pang maglakad pauwi kaysa sabihin sa kaniyang nasira ko ang kotse niya.” Nagkatinginan sina Anastasia at Delaney bago kapwa napailing. Mas lalo naman akong sumimangot bago dumako ang mga mata ko sa dala kong bag. “Hindi puwedeng mabasa nitong baby ko…” reklamo ko at inis na pumadyak. “Baby?” takang tanong ni Delaney at tumingin sa bag ko. Mayamaya ay nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin doon. “Oh, gosh… that bag…” “Hmm?” “That is worth half a million pesos, right?” Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay ibinalik ang tingin sa bag na dala ko. Oh… right. “Nah. It’s ten percent cheaper than that. Nabili ko sa girlfriend ni Kuya Dylan noon. Such a steal, ‘no? Nakamura pa ako,” masayang sambit ko at mahinang tumawa. Looking back, hindi ko talaga alam kung anong sumagi sa isip ni Kaia dahil ibinenta niya sa akin ‘to nang mura. Ang laki rin nang nawala sa kaniya para lang maibenta niya sa akin ‘tong bag na ‘to, ano. Nag-angat ako ng tingin kina Anastasia pero sa halip na kay Anastasia tumingin ay wala sa sarili akong napatingin sa gawi ni Atlas. Nakasimangot siya at parang disappointed sa narinig kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Ano? Parehas ba sila ni Papa na ayaw sa mga babaeng maluho? I rolled my eyes before looking away. Ano naman kung maluho? I can treat myself, right? Saka pinaghirapan ko kayang bilhin ‘to. Hindi naman galing kay Papa o kay Mama ang ibinibili ko ng mga baby ko. “Magc-commute nalang ako, mauna na kayo. Iba ang route ng bahay niyo kaya hindi niyo ako maihahatid… ewan ko ba kasi diyan kay Maurice at ang layo-layo ng condo. I’ll just message you kapag nakauwi na ako so you won’t get worried—“ “Sumabay ka na sa akin.” I stopped on my trance upon hearing Atlas’ words. Wala sa sarili akong tumingin sa gawi niya at kapagkuwan ay agad na tumingin sa mga kasama namin. Anastasia’s brows arched an inch while Delaney eyed me suspiciously. Peke akong umubo at awkward na tumawa. “U-Uh, huwag na kasi—“ “Mauna ka nang umuwi, Anastasia.” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para ikalma ang sarili ko nang sa ikalawang pagkakataon ay pinutol na naman ni Atlas ang sasabihin ko. Sumulyap ako sa gawi niya at sakto namang nakatingin din siya sa akin kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon at tiningnan kaagad siya nang masama. Hindi niya ba nararamdaman na ayaw ko siyang kasama? Magsasalita pa sana ako para tumanggi sa alok niya ngunit naunahan na ako ni Anastasia sa pagsasalita. “Well, may point nga naman si Kuya. Sige, Kuya, ikaw na ang maghatid kay Danielle. Iuwi mo nang maayos ‘yan, ha? Baka mas lalo pang lumakas ang ulan, mauuna na kami sa inyo…” Ibinaling niya ang tingin kay Delaney at pinanliitan ito ng mga mata. “Right, Delaney?” Tumaas ang kilay ko nang magtinginan silang dalawa at kapagkuwan ay mapaglarong ngumisi sa aming dalawa ni Atlas. Sinasabi na nga ba… they’re lowkey teasing us! Iniangkla ni Delaney ang braso niya sa braso ni Anastasia bago tumingin sa amin ni Atlas. “Oo naman, tama. Mauuna na nga kami sa inyo kasi gabi na saka ang lakas ng ulan. Saka uhm… enjoy! Yes, tama… enjoy kayo sa biyahe niyo, ha? Ingat kayo.” Hindi na nila ako pinagsalita pa dahil dali-dali silang tumalikod at sumakay sa sarili nilang kotse. Pinanood ko silang umalis samantalang naiwan ako rito kasama si Atlas na hanggang ngayon ay wala pa ring imik kahit na nakaalis na sina Delaney at Anastasia. I drew in a long breath before looking towards him. “Hindi ako sasabay sa ‘yo pauwi. Magc-commute nalang ako,” taas-noong sambit ko. “I already told Anastasia that I’ll bring you home. If something bad would happen to on you, they’ll put the blame on me. My Dad and Tita are going to marry each other… ayaw ko namang um-absent sa kasal.” Mas lalong tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Ganiyan din ang sinabi mo sa akin noon, ah? Aminin mo na kasi na nag-aalala ka sa akin—“ “I am not worried to you,” mabilis na pagtutol niya sa sasabihin ko. His eyes darted on my bag before he let out a harsh breath. “That bag costs almost half a million peso… baka mabasa, sayang.” Umawang ang mga labi ko at gulat na tumingin sa kaniya. Sinasabi niya bang… “Sinasabi mo bang mas mahalaga pa ‘tong bag na ‘to kesa sa buhay ko?!” A soft chuckle escaped his lips before he looked towards me. He lifted his shoulder in a half shrug and gave me an annoying smirk. “You said it yourself. Hindi na ako ang nagsabi niyan sa ‘yo,” sambit niya at tinalikuran na ako. I gritted my teeth out of frustration. Aaminin kong mahal ‘tong bag na ‘to pero… mas mahal ang buhay ko rito! “Atlas—“ “Sumakay ka na o baka naman gusto mong buhatin pa kita papasok sa loob?” Hindi ako sumunod sa utos niya at sa halip ay nanatiling estatwa sa puwesto ko. Anong tingin niya sa akin, uutos-utusan niya lang, ganoon? Baka akala niya ay nakalimutan ko na na ipagtabuyan niya ako paalis sa bar niya? Hinding-hindi ko iyon makakalimutan, ano! Bukod kay Papa, siya ang kauna-unahang lalaking tumagi sa isang Danielle Fontanilla kaya’t kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagtaboy sa akin. Habang buhay ko siyang iinisin dahil sa ginawa niya sa akin. Binuksan ni Atlas ang pinto ng sasakyan niya bago lumingon sa gawi ko. “Sakay.” I rolled my eyes and crossed my arms over my chest. “I don’t want to. Sumakay ka diyang mag-isa mo. Hindi naman ako nagpapahatid sa ‘yo ano.” “Do I really have to tell you thrice for you to follow me, huh?” “Kahit isang daan mo pang sabihin, hindi pa rin ako susunod sa ‘yo. Sino ka ba para sundin ko, ha?” Atlas drew in a long breath before walking towards my direction. Taas noo ko naman siyang tiningnan habang may ngising naglalaro sa aking mga labi. Kahit na anong pilit niya sa akin, hindi pa rin ako sasama sa kaniya nang basta-basta lalo pa’t kumo-quota na siya sa mga nakakainis na ginawa niya sa akin— I was about to speak but my voice turned into a scream when he suddenly hauled me over his shoulder like a fireman carry. “Atlas!” Malakas na sigaw ko at sinubukang kumawala lalo pa’t nasa baba ang ulo ko… I can’t think straight because of our position. I squirmed to make it difficult for him to walk but to my surprise, his hand smacks my ass as if he’s trying to keep my mouth shut. And it really works because I fell silent out of shock. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya sa akin. Did he just… “There. Good girl,” sambit niya at walang kahirap-hirap na naglakad pabalik sa sasakyan niya. He hauled me over the passenger seat before he went to the driver’s seat. I swallowed the lump on my throat when everything finally sink in. Marahas akong lumingon sa gawi niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya. “Did you just slapped my f*****g ass?!” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD