09

2012 Words
Chapter Nine “Where are you going?” My lips puckered upon hearing Maurice’s question for the umpteenth time. I glanced towards her direction and gave her a poker face. “Alam mo, daig mo pa si Mama sa kakatanong sa akin kung saan ako pupunta,” reklamo ko. Sa halip na ma-offend sa tanong ko ay mahina siyang tumawa at umiling kaya’t mas lalo lamang akong napasimangot. “I am just asking. Baka mamaya, biglang hindi ka bumalik or something. Saka baka maglasing ka na naman—“ “It’s currently three in the afternoon, Maurice. Hindi naman ako maglalasing nang ganitong ka-aga, ano,” reklamo ko at malakas na bumuntong hininga. “At isa pa, nagbago na ako… bagong buhay na ‘to, ano.” I proudly flipped my hair and smiled wickedly. Mula nang makausap ko ‘yong antipatikong lalaking iyon, medyo… napariwara ako sa buhay. Lumihis ang landas ko nang kaunti dahil masiyado akong nag-enjoy sa pagpaparty at sa pagb-bar hopping. I also met my new-found friends so I am doing some pretty good s**t. Kaso, naalala ko na may ipinangako nga pala ako kay Mama na hindi ako gagawa ng gulo—hindi ko pa maaalala kung hindi pinaalala sa akin ni Maurice. So here I am now! Nagpaplano ng bagong buhay— “Pang-ilang beses mo na bang sinabi sa akin na magbabagong buhay ka na? Daig mo pa ang pusa sa rami ng buhay mo kung ganoon.” I was pulled out of my reverie when Maurice spoke. Marahas akong tumingin sa kaniya at nakasimangot siyang tiningnan ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga dahil alam ko naman na tama ang sinabi niya. Medyo maraming beses ko na ngang sinabi ang bagay na ‘yon. Tumingin akong muli kay Maurice at taas-noo siyang tiningnan. “Oo na, last na talaga ‘to, promise. Magseseryoso na ako rito sa bagong buhay ko na ‘to. Ano? Ayos na?” “Sabi mo ‘yan, e. Basta huwag kang uuwi rito nang lasing na lasing o kaya naman ay tatawagan mo ako para sunduin ka kasi sinasabi ko sa ‘yo, isusumbong na talaga kita kay Ninang N---“ “Hindi na nga.” I cut her words off and drew in a long breath. “Wala ka bang tiwala sa akin? Magtitino na nga ako, huwag kang mag-alala, okay? Bagong buhay na.” Malakas na bumuntong hinnga si Maurice at napailing na lamang biglang tanda ng pagsuko niya sa akin. Ngumisi naman ako at kumaway sa kaniya bago dire-diretsong lumabas ng condo. Hindi na ako nag-abala pang sabihin sa kaniya kung saan ako pupunta dahil nakasisiguro naman ako na hindi ako aabutin ng gabi. My friends and I are just going to hang out and have some fun… hmm. Malaki ang ngiti ko nang makalabas sa condo ni Maurice dahil sa pagkakataong ito ay hindi na siya nagpumilit pang sumama sa akin. Sinasamahan niya kasi ako palagi dahil nag-aalala raw siya sa akin kaya naman nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na siya nagpumilit ngayon. Mukhang pagod talaga siya sa trabaho kaya’t hindi na siya nagpresinta pang sumama. I messaged my friends that I am already on my way before finally starting the car. Medyo tumagal ang biyahe ko dahil sa traffic kaya naman nakasisiguro ako na late na ako sa usapan namin ng mga kaibigan ko. Seems like I have to treat them for being late. It took me almost an hour to get to our meet-up place. Isang buwan na ako rito sa Manila and so far… I am enjoying it. I am enjoying my new-found freedom. “Danielle is finally here! Ano ba naman ‘yan, late ka masiyado!” I let out a soft chuckle upon hearing Anastasia’s voice from afar. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa loob ng restaurant ay narinig ko na ang boses niya kaya naman hindi na ako nahirapan pa sa paghahanap kung saan sila nakapuwesto. Dali-dali akong lumapit sa kanila at akmang babati na ngunit agad akong natigilan nang may makitang pamilyar na mukha. He is just silently sitting on the corner and sipping his drink while looking towards me. Mukhang hindi lang ako ang nagulat dahil hindi nakatakas sa aking mga mata ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya nang makita ako. “M-May… kasama pala kayong iba?” I cleared my throat before sitting on the vacant chair. At kung minamalas pa nga naman, sa mismong harap niya pa. Wow. He put down his drink and leaned against his chair, still eyeing me. Anastasia let out a soft chuckle. “Ah, hindi ko nasabi sa ‘yo na may kasama ako. Ayos lang naman sa ‘yo siguro, right, Danielle? Ayos naman sa kanila kaya…” Tumingin siya sa mga kasama namin na para bang kinakabahan siya sa sasabihin ko kaya’t mahina akong tumawa para naman hindi siya kabahan. “Of course, it’s all right. Bakit naman hindi puwede,” I immediately answered her before looking towards him. “So who is he? Boyfriend mo?” tanong ko kay Anastasia habang nakatingin pa rin sa lalaki. I never thought that I’ll meet him again. Mula nang itaboy niya ako sa bar niya ay hindi na ako bumalik pa roon at hindi ko rin naman siya nakita sa ibang bar at club na pinupuntahan ko kaya’t nakakapanibago na makita siya ngayon rito. “What? No, no. Hindi ko siya boyfriend.” Mahinang tumawa si Anastasia nang marinig ang tanong ko kaya naman lihim akong nakahinga nang maluwag. It would be awkward if he is really Anastasia’s boyfriend or relative…. “He’s my step-brother.” Muntik na akong mabuwal sa aking kinauupuan at agad na nag-angat ng tingin kay Anastasia. “Step brother?” “Uh-huh. Magpapakasal kasi ulit si Daddy kaya…” Ibinaling niya ang tingin sa lalaki na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. “Kaya step-brother ko na siya ngayon. Sinamahan niya ako rito kasi ayaw akong payagan ni Daddy na umalis. Baka raw maglasing na naman tayo kaya pinasamahan niya ako kay Kuya.” Wala sa sarili akong napatango. So Kuya, huh? Mas matanda pala siya kaysa sa amin kung Kuya siya ni Anastasia. That’s quite… interesting. I gave him a small smile. “It’s nice to meet you. I’m Danielle Fontanilla,” pagpapakilala ko kahit na alam kong kilala na niya ako. Hindi kaagad siya nagsalita kaya’t nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya. Mukhang kahit kailan ay wala siyang planong magpakilala sa akin kaya’t hindi ko na siya pipilitin. I am not interested with him anymore after what he did to me— “Atlas.” Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang sinabi niya. He said it in such a low voice as if he only wants me to hear what he said. “Atlas Beaufort,” he added. I smiled awkwardly towards him to maintain my composure. “T-That’s… a nice name. Nice to meet you,” tanging sambit ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya dahil mukhang wala siyang balak na alisin ang mga mata niya sa pagtingin sa akin. He’s f*****g weird! Parang kailan lang ay itinataboy niya pa akong palayo tapos ngayon, tingin naman siya nang tingin kung kailan ayaw ko nang makipag-usap sa kaniya. “Hindi mo naman sinabing may guwapo ka palang Kuya, Anastasia. E ‘di sana ‘yan nalang ang nilandi ko noon.” I immediately looked towards Delaney—one of my friends--- upon hearing what she said. Kinagat ko ang aking ibabang labi at muling nag-iwas ng tingin nang biglang tumingin sa akin si Delaney na para bang alam na niya na ganoon ang magiging reaksiyon ko. May alam ba siya na magkakilala na kami ni Atlas.. oh, no. Hindi pala kami ‘magkakilala’ dahil ngayon ko lang din naman siya tuluyang ‘nakilala’. Atlas let out a soft chuckle that made me gulp for the umpteenth time. His laugh sounds music to my ears and it irks every part of my body whenever I feel something like that towards him. Kanina pa siya, ah! Namumuro na siya sa akin. “Sorry but I am not interested, Miss,” sagot ni Atlas kay Delaney kaya’t lihim akong napangiti. Duh… ako nga, hindi itinaboy niya, e. AKO? Ang isang Danielle Fontanilla, itinaboy niya? Huh! Sino ba siya sa tingin niya? And if ever Delaney really likes him, I’ll definitely slap her face so she can wake up from her delusion. She must be blind if she likes this grumpy jerk. I reached out for a glass of water on our table. Ramdam ko na nakatingin pa rin sa akin si Atlas kaya naman agad akong uminom. I don’t want him to think that I am uncomfortable of his presence. Baka mamaya, bigla niyang isipin na gusto ko siya, ano. “Why? Do you have a girlfriend?” My lips twitched when Delaney asked him a question again. Right… baka nga kaya itinaboy niya ako dahil may girlfriend siya! Bakit hindi ko naisip ang bagay na ‘yon? God! Muntik pa akong maging kabit— “No, I don’t have one.” I glanced towards Atlas and eyes him curiously. Wala siyang girlfriend? Ibig sabihin, single siya, ganoon? Kung ganoon, bakit hindi niya ako inentertain noong lumapit ako sa kaniya at sinabing gusto ko siyang kausapin? Ganoon na lang ba talaga ang galit o pagkainis niya sa akin? “Right, Kuya Atlas. Wala ka bang girlfriend sa Paris?” My brows drew in a straight line upon hearing Anastasia’s question. Muli akong sumulyap sa gawi ni Atlas at kunot-noo siyang tiningnan. Sabagay. Based on his features, it’s quite noticeable that he’s not a pure Filipino like me. Base rin sa surname niya, mukhang hindi nga siya pure-Filipino. Atlas slowly shook his head and leaned his back against the chair. Mag-iiwas na sana ako ng tingin sa kaniya ngunit muling nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Peke akong umubo at agad na nag-iwas sa kaniya. Nakakahiya! He caught me staring at him! Baka mamaya, isipin niya na… “Are you all right, Danielle?” Humarap ako sa gawi ni Delaney at awkward na ngumiti. “O-Of course,” mabilis na sagot ko at umayos ng upo. “Ah, right. ‘Di ba nabanggit mo sa amin noon na may condo kayo sa France, Danielle?” I looked towards Anastasia before I slowly nod my head in return. “Why?” takang tanong ko sa kaniya. “Wala lang… galing kasing France si Kuya Atlas. Kakabalik niya lang dito sa Pilipinas six months ago.” Wala sa sarili akong napatango bago tumingin sa gawi ni Atlas. Hindi katulad kanina ay hindi na siya nakatingin sa akin at sa halip ay abala na sa pag-inom ng kape niya kaya naman nag-iwas na rin ako kaagad ng tingin bago niya pa ako mahuling nakatingin sa kaniya tulad nang nangyari kanina. “Baka nagkita na kayo niyang si Atlas, Danielle. May similarities naman pala kayong dalawa…” I heaved a deep sigh upon noticing that Delaney is slightly teasing Atlas and I. Base sa mga sinasabi at ikinikilos niya, mukhang alam na niya nga na minsan na kaming nagkita ni Atlas noon. Maybe she saw us at the bar back then or maybe because Atlas and I are too noticeable right now. Marahan akong umiling. “It’s been years since I last went there. Bata pa ako,” kaswal na sagot ko at malakas na bumuntong hininga. “Huh? ‘Di ba roon ka nagbakasyon noong College?” Kunot-noo akong tumingin kay Anastasia dahil sa tanong niya. Ah, right. Kaklase ko pala siya noong College. Umiling ako at nagkibit balikat. “Hindi ako natuloy pumunta sa France noon,” sagot ko at muling uminom ng tubig. “Are you sure?” “Of course. Nasabi ko na naman sa inyo na nasa hacienda lang ako buong buhay ko, ‘di ba? Ngayon lang ako nakaalis.” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD