08

1363 Words
Chapter Eight “And who the f**k are you to order me around?” Humigpit ang hawak ko sa manibela at umirap sa kaniya. I heard him sigh as he looked towards me. Hindi niya pa rin inaayos ang tayo niya at nakasilip pa rin sa bintana ko. “I am speaking as a f*****g concerned citizen. This is a dangerous place, Fontanilla. There are tons of drug addicts here.” I can’t help but to shiver upon hearing what he said. Wala sa sarili kong inilibot ang paningin ko sa lugar kung nasaan kaming dalawa ngayon. He’s quite… right. We’re currently in a secluded area at kung drug addict ako, baka nga rito ako pumunta para magtulak ng droga. Tumaas ang sulok ng labi ko bago mapaglarong tumingin sa gawi niya. “Why? Sinundan mo pa talaga ako para lang sabihin ‘yan? What is your intention, then? Nag-aalala ka sa akin?” I teased him. Hindi kaagad siya nakasagot kaya’t magsasalita na sana ako subalit naunahan na niya ako. Umayos siya ng tayo at ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. “Listen. I am not in any way concerned about you. I am concerned about myself. Ako ang huli mong nakausap bago ka umalis… I’m sure a lot of people saw us talking outside my bar. Kapag nawala ka, ako ang una nilang pagsususpetsahan, naiintindihan mo ba? I have a f*****g great life ahead of me. If you don’t mind going to jail, then I do.” Nawala ang ngisi ko at agad na napalitan ng pagkainis. Wow. Way to ruin someone else’s little happiness, huh? Napaka-KJ niya naman! I heaved a deep sigh before checking my wrist watch. Mariin ko iyong tinitigan at tinantiya kung anong oras ako makakauwi sa condo ni Maurice kung sakali mang hindi ako sumama rito sa lalaking ‘to pabalik sa bar niya. Of course, I want to come with him. Gusto kong bumalik sa bar niya at kausapin siya tungkol sa mga bagay-bagay. Marami rin akong gustong itanong sa kaniya--- kung bakit niya ako kilala kahit na hindi ko naman siya kilala? Kung bakit ba parang ang init-init ng dugo niya sa akin kahit na wala naman akong ginagawa sa kaniya? --- basta marami akong gustong itanong. But most importantly, I know my worth as a person. Pinaalis niya ako at itinaboy kaya bakit ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya? Kahit na sinundan niya pa ako, wala akong pakialam. I drew in a long breath before glancing towards him. “Ayaw ko.” “Danielle—“ “Pinaalis mo na ‘ko, bakit pa ako babalik? Anong tingin mo sa akin, huh? I don’t care if you took your time following me around. Saka kung sakali mang mamatay ako rito, e ‘di maganda. Para naman magkaroon ng kaunting thrill ang buhay mo… ang boring mo kasi,” mataray na sambit ko at isinara na ang bintana ng sasakyan ko. I saw how his jaw dropped upon hearing what I said. Taas-noo ko namang inistart ang sasakyan ko at agad na nagdrive paalis. Huh! Anong tingin niya sa akin, uto-uto? Easy to get? Well, nagkakamali siya ng akala sa akin. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya, ano. Gusto ko lang naman siyang makausap at tanungin pero itinaboy niya ako paalis. E ‘di siya na! Kainis! Bad mood na bad mood ako habang nagd-drive pauwi. Mabuti na lamang at walang humarang sa akin para mang-hold up o ano dahil kung hindi, baka pinagsisihan ko na tinanggihan ko ang alok ng lalaking iyon—and oh. Agad akong natigilan at ilang beses na napakurap nang mapagtantong hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya! Nakalimutan kong itanong! Malakas akong bumuntong hininga at napailing. Not that I need to know his name, though. Wala na akong balak na kausapin pa siya kahit kailan. Bahala na siya sa buhay niya, napaka-sungit niya. Iisipin ko nalang na lasing siya noong kinausap niya ako noon at baka nakilala niya lang ako sa social media—tama, tama. Case closed. Hindi ko na siya dapat pang isipin pa dahil sa halip na curiosity, umiinit lang ang dugo ko sa kaniya. Kainis! “Oh? Ang aga mo yata?” I gave Maurice a side long glance as I entered her condo unit. Nakaupo siya sa sofa at abala sa paglalaptop kaya’t lihim akong umismid. Nagtatrabaho na naman siy kahit madaling araw na… nagpapahinga pa ba ang isang ‘to? “Nawala ako sa mood,” I honestly answered before walking towards her. Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa sofa. “May nakasalamuha akong masamang nilalang.” Maurice immediately looked at me with a concerned look. “May nambastos na naman ba sa ‘yo, huh? Tell me. I’ll call Kuya Dylan, wait. Tanda mo ba ang mukha—“ “Huwag ka ngang OA,” mabilis na pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. I heaved a deep sigh and lifted my shoulder in a half shrug. “He’s not a pervert, okay? Masama lang ang ugali.” Mukhang nakampante naman si Maurice nang sabihin kong hindi manyak ang tinutukoy ko. Isinara niya ang laptop na nasa hita niya at kapagkuwan ay tumingin sa akin. “Anong nangyari?” “Wala lang. Hindi ko lang nagustuhan ang attitude. He’s a… grumpy brat.” I was expecting her to nod her head and ask me to continue but to my surprise, she let out a soft chuckle. Agad naman akong lumingon sa kaniya at pinanliitan siya ng mga mata. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Maurice glanced at me and laughed once again. “Bakit hindi mo nagustuhan ang attitude? Parehas kaya kayo.” Mas lalo akong sumimangot nang marinig ang sinabi niya at agad na nag-iwas ng tingin. Right. Bakit pa nga ba ako nag-expect na hindi niya ako lolokohin tungkol sa ugali ko? Tsk. I know that I am sometimes grumpy and I am quite a brat but… hindi naman ganoong kasama ang ugali ko, ano! “Ah, basta. Naiinis ako sa kaniya. Kapag nakita ko siya ulit, hindi ko talaga siya kakausapin.” “Ano bang nangyari? Tell me,” pag-uusisa ni Maurice kaya’t bored ko siyang tiningnan. “Para ano? Isumbong mo ako kay Papa? Alam mo namang chismoso ‘yon, baka makarating pa sa buong angkan natin na may nakaaway na naman ako.” Muling tumawa si Maurice na para bang naintindihan kaagad ang sinabi ko. Alam ko na kasing kung anong sasabihin ko kay Maurice, sasabihin niya rin kay Papa kapag nagtanong si Papa kung anong balita sa akin. Sanggang-dikit sina Maurice at si Papa, e. Mas close pa nga yata si Maurice kay Papa kesa kay Tito Darius… siguro dahil palagi rin naming kasama si Maurice kaya ganoon. “He’s not that interesting so don’t ask me about him again, okay? He’s pretty… boring,” mahinang sambit ko at malakas na bumuntong hininga. Maurice laughed but she still nod her head as a sign of agreement. Napagdesisyonan ko namang tumayo na para pumunta sa kuwarto ko at magpahinga. Sayang lang ang pag-aayos ko… ugh! I stopped walking when I remembered something. I immediately turned my body towards Maurice’s direction. “May tanong ako, Maurice…” I trailed off. “Hmm?” “’Yong may-ari ng bar na palagi nating pinupuntahan… kilala mo ba?” Agad na nagtagpo ang kilay niya at taka akong tiningnan. “What bar?” “’Yong bar na pinuntahan natin noong last tayong uminom. That incident when someone tried to spike my drink… tanda mo?” tanong ko. Hindi kaagad sumagot sa akin si Maurice na para bang iniisip niya pa kung sino ang tinutukoy ko kaya naman malakas akong bumuntong hininga. Marahan akong umiling at bored siyang tiningnan. “Don’t mind me. I’m just curious,” mabilis na pagbawi ko. Maurice slowly nod her head. “Siya baa ng nakaaway mo?” Saglit akong natigilan dahil sa tanong niya. I want to say yes and tell her the truth but… I shook my head and gave her a small smile. “No. He’s a different guy.” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD