Chapter 13

1184 Words

"Puwede bang ako na lang ang escort mo sa debut mo, honey?" tanong niya matapos humigop ng tinimpla kong kape. Naroon kami sa kusina dahil nagprisinta siyang tumulong at dahil kailangan ko talaga ng tulong ay hindi na ako tumanggi. "Kung puwede nga lang sana, Samuel. Kaya lang nakapili na si mommy." Tapos ko ng lutuin ang kare-kare at 'yong chicken curry na ang susunod kong lulutuin. "Well, it's okay. Pinsan mo naman ang escort mo kaya wala akong dapat pagselosan." Napapangiti siya habang hinihiwa ang binalatan niyang patatas. "Hindi bagay sa 'yo magselos." Hinalo ko ang manok sa kawali. "You are right." Tumawa siya. "Isa lang naman ang bagay sa akin." "And that is?" "You," turo niya sa akin. "Ikaw ang bagay sa akin." Napangiti ako. Marunong din pala siyang bumanat ng punchline.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD