"Si mommy," wika ko nang makita ko sa screen ng cellphone ang pangalan ni mommy. "Huwag kang maingay, ha?" Nang tumango si Samuel ay sinagot ko ang tawag saka ini-loudspeaker iyon. "Hello, mommy. Pauwi ka na po ba?" "No, Lea. Not yet. May dadaanan pa ako, e." "Okay po." "Baka mga six thirty na ako makauwi. Tumawag na ba ang dad mo?" "No, mommy. Why?" "Tinawagan ko siya kaniya at ang sabi niya ay magkasama sila ng Uncle Samuel mo. Unattended naman ang cellphone ni Samuel." Napatingin ako kay Samuel na naroon sa harap ng stove. Tumingin siya pabalik sa akin at kinuha ang cellphone niya na naroon sa bulsa ng suot niyang pantalon. Ipinakita niya iyon sa akin at senenyasan niya ako na naka-off iyon. Napansin ko na lang na ini-on niya iyon. "Anyway, nariyan ba ang Ate Ana mo?" "Wala po,

