Habang nagdi-dinner kami ay napag-isip-isip ko ang sitwasyon namin ni Samuel. Parang gusto ko na putulin na ang relasyon namin habang maaga pa. Marami akong nalaman kay mommy patungkol kay Samuel na hindi ko nagustuhan. Oo, magaling siyang abogado, pero matinik siya pagdating sa babae. Ang sabi ni mommy ay two-timer si Samuel kaya ngayon pa lang ay nagdududa na ako sa ipinapakita niyang pag-ibig sa akin. Magkakaharap kaming apat sa dinner table. Magkatabi sina Samuel at daddy, katabi ko naman si mommy. Wala kaming imik ni mommy at sa pagkain nakapokus ang aming atensiyon, samantalang si daddy naman ay hindi magkandaugaga sa pagkukuwento kay Samuel ng tungkol sa negosyo. Napatingin ako sa plato ni daddy. Kaunti pa lang ang nababawas doon. Patikim-tikim lang siya tanda na busog na siya d

