"I'll bring you home at exactly five o'clock in the afternoon," saad ni Samuel matapos akong akbayan. Kasalukuyan kaming nanonood ng movie. Mystery thriller ang genre niyon na paboritong panoorin ni Samuel. Ayon sa kaniya ay nahahasa ang utak niya sa mga ganoong pelikula. "Make it four in the afternoon," usal ko matapos isandal ang aking ulo sa balikat niya. "Baka maagang umuwi sina mommy at daddy." "Gagabihin daw sila so there is nothing to worry." Hinalikan niya ang kabilang panig ng aking ulo. "I wanna spend more time with you, Lea. Kung maaari nga lang sana, e, dito ka na tumira kasama ko." Nawala ang atensiyon ko sa pelikula. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin kaya nagkatitigan kami. "Are you waging war with my parents?" Gusto ko ang ideya niya pero alam ko na

