Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nagtitimpla ng kape para kay Samuel. Narito na kami sa bahay. Kararating lang namin dahil agad niya akong inihatid nang biglang tumawag si mommy na pauwi na raw sila ni daddy. At dahil nga sa tawag na iyon ay hindi natuloy ang halik na inaasahan ko kanina. Naiinis ako, naroon ang panghihinayang. Parang palagi na lang hindi natutuloy ang unang halik na gusto kong maranasan. Nilagyan ko ng creamer ang kape. Hinahalo ko na iyon nang bigla ko na namang maramdaman ang pagyakap sa akin ni Samuel mula sa likuran. Nagulat ako pero naroon ang tuwa at pagkasabik. Baka sa pagkakataong ito ay matuloy na. "Mabuti at nauna tayong dumating kaysa sa mga magulang mo," bulong niya sa tainga ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko na dinampian niya ng halik a

