Pasado alas nuwebe na ng gabi at hindi pa rin umuuwi si Samuel. Dito na siya sa bahay nag-dinner at mukhang wala talaga siyang plano na umuwi. Naroon siya sa balkonahe kasama si daddy. Umiinom sila ng alak. Nag-aalala ako dahil baka malasing siya. Kanina pa ako kinakabahan kaya umakyat ako sa kuwarto ko para tawagan siya. Nasa kusina si mommy kaya hindi niya ako maririnig. "Honey," wika ko sa kabilang linya. "Umuwi ka na, please? Gabing-gabi na." "Later, honey. Kapag naubos na namin ni Fernan itong alak. Isang bote lang naman 'to." Narinig ko ang pagtawa ni daddy. Kinakantiyawan niya si Samuel. Parang naulinigan ko rin ang boses ni mommy. "Magmamaneho ka pa pauwi. Isa pa, maaga ang pasok mo bukas sa office." "I'll drive safely. See you tomorrow, honey, okay? I love you." Muli ay na

