GWYNETH'S POV HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang dito na lang matatapos ang lahat sa amin ni Grey. Sa ilang taon naming pagsasama, kakatwang sa mababaw na rason lang kami maghihiwalay. Nagkakaroon kami ng pagtatalo. Halos naging madalas iyon noong nagbubuntis ako hanggang sa makapanganak dahil nagbabago ang mood ko at may mga oras na hindi kayang i-handle ang topak ko pero hindi iyon naging rason para iwanan namin ang isa't isa. Sa mga oras na ganoon ang nangyayari sa amin, mas nagiging matibay pa ang ang pagmamahal namin sa isa't isa dahil alam naming hindi namin kayang maghiwalay. Tapos mangyayari ito? Dahil lang sa wala pa akong napapatunayan sa buhay kaya kami paghihiwalayin? Iyon ang legasiya ng pamilya niya na ngayon ko lang nalaman kung para saan. Kahit pa galing s

