GWYNETH'S POV "TARAY! Akala mo talaga maganda." Siniringan ko ang nagsalitang si Aubrey habang patuloy kami sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng isang malaking gusali. Nang-aasar na naman kasi ito at hindi na naman mapalagay ang bibig. Palibhasa, tumatandang dalaga. Kabi-kabilang bati ng mga empleyado ang natatanggap namin ng kaibigan ko. Para namang artista kung kumaway-kaway si Aubrey sa mga empleyado kaya talagang kinagigiliwan siya ng lahat. "May date ako mamaya, ha. Uuwi ako nang maaga," saad niya pa habang patuloy kaming naglalakad. "Asawa mo na 'yon, 'di ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh, bakit? Mag-jowa lang ba ang kailangan mag-date? Hindi ba pwedeng mag-date ang mag-asawa na?" Inismiran ko na lang siya pagkatapos. Nang nasa harap na kami ng pinto ng opisina ay may narir

