Nang gabing iyon nag-umpisa na ang kasiyahan sa hardin subalit naiwan ang dalawa sa living room ng Mansyon dahil iyon daw ang instruction ng Program Coordinator. “Ang sexy naman ng Hon ko bagay na bagay talaga sayo kahit anong isuot mo lalo na siguro pag wala” Buong paghanga ng binata sa dalaga na may panunudyo habang magkaharap silang nakaupo sa couch. Gusto niyang pasayahin ang dalaga dahil kanina pa niya napapansing nakasimangot ito. “Loko-loko! nag-uumpisa ka na naman.” asik ng dalaga. “Totoo naman eh.” “Ikaw nga ang napaka-gwapo diyan sa tuxedo mo kung hindi lang nila alam na asawa kita baka pagkaguluhan ka ng mga Ladies friend namin.” “Oww ako naman ang napansin, teka nga pala bakit daw ayaw nila tayong palabasin?” Naguguluha na ring tanong ng binata. “Ewan ko nga eh! Kung anon

