Pagkatapos magsayaw ng dalawa magkahawak kamay silang lumapit sa ilang mga kaibigan at kakilala nang dalaga. Samantala ang kanyang lola at Lolo ay abala din sa pakikipag usap sa ilang mga amigo, amiga ng mga ito na gaya rin naman ng kaniyang mama at papa na may kanya- kanyang kausap. “Husband ko si Hector” pakilala ng dalaga sa binata sa ilang kakilalang nadadaanan nila, pakamay-kamay naman ang binata sa mga ipinapakilala sa kanya. “Sisterrrr!” Sigaw ng isang baklang blonde ang buhok na pandalas na lumapit sa kanila. Na hindi na marahil makapag-hintay na makalapit pa sila. Yumakap ito sa kaniya, at ng bumitaw. Animo’y isang manikin na sinipat-sipat nito ang kabuuan ng dalaga habang hawak-hawak sa kamay. “Bagay na bagay sayo yang emerald green na long gown grabe ang galing mong pumili

