Sa araw ng wedding ceremony na ginaganap sa harap mismo ng mansyon sa magarang hardin nito ay nag-bubulungan ang dalawa. “Ano kaya ang feeling ng ikinakasal?” Bulong ng binata sa dalaga. “Manligaw ka at pag sinagot ka pakasalan mo agad para malaman mo.” Anang dalaga. “I-try kaya natin pagkatapos nila.” “Mamaya ka na nga mangulit dyan marinig ka nila mama.”Pagtataray na bulong ng dalaga sa katabi. “Ay sorry, Kinakausap lang naman kita kasi baka antukin ka sa haba ng sermon ng pari.” Napangiti ng bahagya ang dalaga. “Ang galing mo talagang magpalusot napapatawa mo ako.” “Para iyon lang natawa ka na, ambabaw mo naman hindi pa ako nag-e-effort niyan.” “ Kahit anong joke, kahit korny basta ikaw ang nagsabi matatawa ako. Ibang klase rin naman ang lalaking ito kahit sa seryosong pagkak

