Nagsisisi ako dahil hindi ko man lang dinala ang guide map na binigay sa akin nung enrollment. Ang ending, lakad lakad sa bawat rooms ng architecture building na ito. Nasa pitong palapag ang building at ang nakakainis pa ay iilan lang ang mga nakakasalubong ko. Ang ilan ay napapatingin pa sa gawi ko pati sa suit ko waring alam siguro nila bagong salta lang ako rito. Wala kaseng uniform ang school na ito, di gaya sa ibang universities na meron. Identification card is enough here kaya pwedeng isuot ang gusto except sa short shorts para sa lalake o kaya revealing dress sa mga babae. Merong school blue polo dito na it’s up to you kung isusuot mo. Pero sa tingin ko ay isinusuot lang iyon pag may events dito sa school like tournaments, concerts and especial occasions. Naabutan tuloy ako ng

