BELLA'S POV RAMDAM ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Kahit pa pakiramdam ko ay nakatulog ako ng mahabang oras ay tila pagod na pagod ang aking diwa. Nakakasukang amoy ng alak ang bumungad sa akin pagmulat ko pa lamang ng aking mga mata. Iisang mahabang ilaw ang nakatutok sa mukha ko habang nagkalat sa paligid ang mga pira – pirasong kahoy. Sa bawat bintana ay pawang dilim lamang mula sa labas ang aking nakikita. Maliliit na huni Ng mga ibon ang naririnig pero bukod doon ay wala na. Kaunting liwanag naman mula sa buwan ang pumapasok dito sa loob. “Gising na po siya, boss!” Garagal ngunit masayang pagbabalitang iyon ng isang lalaki sa gilid ng pintuang di kalayuan. Nilingon ko Ito sa aking likod at doon ko lang napagtantong nakatali ang parehas na paa ko at kamay sa sira at kaho

