BELLA'S POV TAHIMIK ang paligid pagkamulat ko ng aking mga mata. Nasaksihan ko pa ang pagbukas ng pintuan at ang pagpasok ni Adam. Kapwa kami nagulat nang mapagtantong kami lang dalawa ang naririto. Ipinagsawalang bahala niya iyon at agad na lumakad patungo sa akin. Bitbit niya ang isang plastik na pagkain na puro fastfood ang laman. Nakalaylay ang kaniyang long sleeves at Hindi iyon nakatupi gaya ng ginagawa niya dati, dahilan para mas kapansin pansin ang pagkahapit nito sa kaniyang braso. Ang kabilang kamay niya ay may hawak na dalawang pirasong inumin. Pinagmasdan muna niya ako bago niya ipinatong sa lamesa ang isang inuming iyon at agad na naupo roon. “You still look beautiful even with scars.” Walang pansin niyang sabi saka kinagatan ang sandwich na hawak at ininom ang inumin.

