ALAS sais na noong nakauwi ako sa condo ko. Buti hindi na ito nagpumilit pang ihatid ako sa mismong unit ko. Ngumiti ako habang pinapanood ko ang motor nitong papalayo. I didn’t know he has this sweet side of him. Tinignan ko ang pulang rosas na bigay nito. Tatlong piraso ito at may nakalakip pang maliit na sulat. “Hi. Let’s eat again tomorrow.” Pasalaysay iyon at hindi patanong. I sighed! Man with their decision making. Nakakainis na nakakakilig. Pumasok na agad ako sa elevator. I wanna rest na dahil napagod ako buong araw. Sa loob pa Lang ay naiisip ko na si Chaos. I sighed. Tama pa ba ginagawa ko? Tumunog ang elevator hudyat na nasa mismong floor na ko. Biglang bumukas iyon at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Chaos. Nagulat ito maging ako rin. Hinatak agad ako nito papala

