“KAMUSTA na?” Sa totoo lang ay nahihiya ako. Nahihiya ako dahil feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Dinala kami ng aming mga paa dito sa corridor kung saan kaming dalawa lang. Nakatayo, nahihiya sa isa't-isa. These past days ay laman siya ng balita. Syempre, kasama na kami roon pero dahil gwapo ito at madaming nagkakagusto ay nalaman agad ng karamihan. Nabalitaan rin kase ng eskwelahan na hinabol at pinagbabaril kami sa Ambalayat and worst, nabaril pa si Reel at sugatan sila ni Jes. Umiling ako. Hanggang doon na lang ang nalalaman ko. “Eto kahit papaano ay nakakarecover na sa nangyari.” Ngumiti ako nang pilit lang sa sagot kong iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahihiya ako. Dahil ba sa aminado akong may gusto ako kay Chaos? “Kaya ba nagkikita na kayo ng lalaking y

