MASAKIT ang ulo ko dahil sa whiskey na pinilit kong ininom kagabi. Pagkatapos kase ng pag-uusap na iyon kasama ang mga Lion gangsters ay iniwan ko ang mga ito at nagtungo sa table nila Thazel. Nagulat ako dahil paglabas ko ng secret room ay halos wala nang masyadong tao at hinanap ko pa sila. Napatingin pa ako sa orasan at ayun nga ala una na ng madaling araw. Naabutan ko silang naglalaro noong bumalik ako. Nasaan ang iba? Iniwanan ko sila Chaos sa secret room kase madami pa silang kailangang planuhin bukod sa napag-usapan namin. Nasa pito na lang silang naririto at halatang mga lasing na. Inaya nila akong sumama sa laro nila. Ang consequence ay iinom nung nasa pitsel. Akala ko naman kase ay nestea iyon kaya sumali ako sa game. Kaso hindi naman pala kaya noong ako na ang taya ay huli n

