“Papasok na muna ko.”, matapang na sagot ko habang pinipigilan ang nasa isip ko. Napatingin silang dalawa sa akin at nababakas sa mga mukha nila ang iisang reaksyon. “Wait. We'll be back.”, nagulat ako sa biglaang pagsasalita nito sa aking tabi. Maging si John ay nagulat rin ngunit tumango na lang ito. Hinawakan agad nito ang aking kamay at nang makapasok na kami sa secret room ay hinigit ko agad ang aking kamay. Ngunit maagap ang mga kamay niya at agad akong nilapit sa kanya. “I’m sorry. Wag ka na magalit please.”,. Bulong nito habang yakap – yakap ako mula sa likod ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at bumagsak na ang mga iyon bigla. Nag-uunahan at sunod – sunod. Narinig niya agad iyon at iniharap agad ako sa kanya. “Oh!, I’m sorry baby. I’m sorry.”, sunod – su

