BELLA'S POV “We’re here to rest and eat," aniya ni Chaos. Umaliwalas ang aking mukha saka masayang inihakbang ang aking mga paa. Pumasok kami roon sa kubong iyon and to my surprise, may dalawang lutuan roon at sa bandang kanan ay naroong nakalapag ang mga plato at kutsara't tinidor. Ang kubo ay gawa sa kawayan. Simple lamang iyon at di gaanong malaki. Sakto lamang na pagpalipasan ng oras. Nakalapag rin doon ang isang putahe na nakalagay na sa lalagyanan. Nilapitan ko pa Ito para kumpirmahin kung tinola ba iyon at napangiti ako nang malamang tama nga ako. “Love, may pagkain!” Masayang sabi ko. Lumapit agad ito na may hawak nang plato at kubyertos. Umupo agad kami at nagsimulang kumain. How was this possible? Kasama ba Ito sa game? “Tubig.” Aniya ko at saka ito nagmadaling tumayo

