BELLA'S POV Lumakad papuntang harapan ang lalaking may suot din gaya nung sa amin. Ang kaibahan lamang ay wala itong hawak na kabayo ngunit isang bandilang maliit lamang ang hawak. Kulay puti iyon. Huminto ito sa gilid at itinaas agad ang hawak ng bandila. “Humawak ka ng mahigpit”, aniya ni Chaos. Iniyakap kong maigi ang aking mga braso sa kaniyang bewyang. It feels home! Sobrang nakakagood vibes ang bango niya. Tumingin akong muli sa harapan. “One..two..three…!” Agad na ibinaba ng lalaki ang bandila kasabay nun ang mabilis at sabay – sabay na pagtakbo ng mga kabayo. “Yaaaaah!!!!!” “Woaaahhh!!!” Natatawa na lamang si Chaos sa aking reaksyon sa nangyari. Sobrang bilis ng takbo ng kabayo na umabot pa sa puntong hindi ko naihanda ang aking sarili. Nasubsob pa ang buong mukha ko

