BELLA'S POV DALAWANG kamay ang yumakap sa akin mula sa likod. Kanina pa niya ako pinapunta rito sa veranda at pinasuot pa ng manipis na dress. Tinignan ko pang muli ang aking suot. It’s a long cute crop top floral dress. Kulay light blue ito na kakulay lamang ng sky sa umaga. “Did I make you wait?” Napasinghap ako sa aking kinatatayuan. Iniyakap niya ang kaniyang mga braso sa akin at inilapit pa akong muli sa dibdib niya. Tila nilukob ng buong pagkatao ko ang bagong ligo niyang amoy kasama na roon ang perfume niya na sobrang gustong – gusto ko. Humarap agad ako sa kaniya at bigla na lang may narinig na magandang tugtugin. Nilinga ko pa Kung saan nanggagaling iyon kaso ay Ang gwapong mukha niya umagaw ng aking tingin. Ngumiti ito at umambang hahalikan ako ngunit pabiro kong inil

