BELLA'S POV “NASAAN na ang mga magulang mo?” Nakapikit na ang aking mga mata pero rinig ko pa din ang tanong niya. Sinubukan kong iwala ang tanong na iyan pero sadyang magaling siyang bumasa ng ekspresyon kaya sa huli ay nahuli na niya ang aking mga mata. Kanina pa naming tinitignan ang kalmadong kalangitaan pero sadyang inaantok na ako dahil sa matinding pagod. This will be the very first time, he asked me about my parents. Kinagat ko ang aking mga labi. Naroroon ang kaba at sakit. My real parents actually. Kaninang pag-alis namin ay isinakay niya ako sa kanyang paboritong kabayo. Nilibot namin ang buong hacienda nila at di maipagkakailang mayaman nga ito higit pa sa inaakala ko. Maraming mga bumati sa Amin at Ang ipinagtataka ko ay kilala nila ako. Kilala bilang girlfriend Ng lal

