BELLA'S POV Maglulunch na noong nakarating kami sa mansion nila Chaos. Ang mga maiinit na braso ni Don Lucas Ang sumalubong sa amin. Pinasadahan ko pa Ito Ng tingin. My gosh!!! He doesn’t age! Mas lalong bumata at pumogi si Don Lucas! Lumapit ito sa akin at niyakap pa akong muli. Amoy na amoy ko ang pabango nitong nahahawig sa mga kaedaran niyang kakilala ko. Medyo mabilis lamang iyong pagyakap dahil nagrereklamo na ang aking katabi. Ramdam ko ding pinasadahan niya kaming dalawa ng tingin at agad na lumitaw ang mapuputing ngipin Niya nang matapos. Sinuklian Rin namin ito Ng ngiti at agad na sumunod na sa kaniya papasok sa loob. Iginala ko agad Ang aking mga mata sa buong kahabaan ng mansyon. Nothing has changed except sa mga wooden furnitures na nadagdag at Ang iba ay naenhance da

