Alas onse na ng gabi at nasa daan pa rin kami. Umalis kami sa lugar na iyon nang hindi malinaw sa akin kung bakit ako naimbita sa event na iyon. Nakapagtataka lang kase imbitado din ang aking pinsan at hindi ko man lang tinanong kung kaano-ano ba niya ang birthday celebrant o kaya naman ang mag-asawang Williams. Pero baka naman pakana lang to ni John para sumama ako sa gala niya. pero parang hindi eh. "John hindi ko pala na-meet yung sinasabi mong kaibigan mo" Tumingin pa ko sa likod para sabhin iyon pero iba ang nakita ko, hindi yata ako kasali dito. Tumaas agad ang dugo ko sa inis, NAGLALANDIAN SILA. Parehas nilang kinakalikot ang nag-iisang cellphone habang masayang nagtatawanan. Muli ko pang tinawag ang pangalan nito pero hindi man lang narinig ng kahit isang tenga nito. Pa

