Buong byahe ay hindi ko alam kong tama ba ang ginawa ko kanina. Umiiyak ito at nagsisigaw na para bang kinidnap namin siya. Sinulyapan ko agad ito sa salamin na nakatutok sa kanya. Ayun, masamang tingin ang ibinato nito saka inirapan agad ako na siyang nagbigay ngiti naman sa akin. Namumugto na ang mga mata nitong kanina pa umiiyak. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari ngayong gabi. Nakita ko sa event ang aking pinsan, misteryoso pa din sa akin kung bakit ako naimbita doon at kung bakit alam ng pinsan ko na andoon ako. Higit sa lahat, ano namang kailangan ng Scorpio Gang sa akin? Sumasakit lalo ang ulo ko. Isang malumanay na kanta ang sumakop sa buong kotse ni John. Nagbigay naman iyon sa akin ng mas kalmadong pag-iisip. Busy itong kinakalikot ang cellphone habang nagtitin

