TAPOS narin ang practice nito sa singing kaya hindi ako nakanood. Alam kong nagtatampo ito na kahit hanggang kotse ay hindi ako nito masyado kinikibo. Akala ko ay okay na kami mula kanina per hindi pa pala. Maaliwalas ang paligid, hindi traffic at sa sobrang aliwalas ay ganoon din kasobrang tahimik sa loob ng kotse. Tila nakakulong kami at walang gustong bumasag sa nakabibinging katahimikan. Itinago ko sa likod ng aking tenga ang ilang hibla ng buhok ko na kanina pa nililipad ng hangin. Buti ay nakababa na ang window shield ng kotse nitong Mustang. Kaya may dahilan akong ituon ang atensyon ko doon. Nagulat ako dahil nagring mismo ang cellphone na hawak ko. Tumatawag si Mama. Nagdadalawang isip pa akong sagutin iyon dahil sa alam kong papagalitan ako niyon. Nagalit kase ito noong naka

