CHAOS' POV Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad agad sa akin si Bella. Dalawang braso agad niya ang sumalubong sa akin. “I miss you!,” aniya na para bang antagal naming hindi nagkikita. Napangiti agad ako roon nang maghiwalay kami. “I miss you too!” Masayang sabi ko na kaagad ko siyang ginawaran ng halik. Lumalim pa iyon na umabot pa hanggang sa kama. Sa lunes na ang magarbong party ng Gobernador ng Fabian, ang ama ni Bella. Nung pinamanmanan ko si Bella noon at doon ko nalaman ang lahat sa kaniya. Ngunit hindi ang tungkol sa kanilang dalawa ni Mama. Wala sa record ni Fritz ang pagiging tunay na Ina ni Mama Kay Bella. Base sa record ay inalagaan lamang niya si Bella kaya siya ang kinilalang Ina nito. Ngunit bakit iba ang sinasabi nila Albert sa kaniya? “Chaos, kailangan mo nang wakasa

