NAY NERI

1900 Words

CHAOS' POV Mahigpit na yakap agad ang iginawad ko sa aking pinakamamahal at itinuring na parang tunay na Ina. Matagal na rin simula noong hindi ko siya nakita. Simula noong pinalayas siya ni Mama noong sa Canada pa kami naninirahan ay sa wakas nagkita ulit kami. Pinalayas siya sa hindi ko alam kung ano bang totoong dahilan. “Chaos, Bella pasok kayo,” tipid na ngiti lamang ang iginawad niya. Kung titignan ay malaki ang ipinayat at ikinatanda ni Nanay Neri simula noong huli ko siyang nakita. Ngumiti naman ako saka kami pumasok ni Bella sa munti nilang tahanan. Doon namin naabutan ang isang batang paslit. Nakaupo ito sa sahig na may maliit na carpet at busy sa kakasulat sa papel. Sa harap niya ay isang matanda na nakangiting ginagabayan ang batang paslit. Sa tingin ko ay iyon ata ang asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD