Chaos' POV Maayos na ang lahat at pulido na ang plano para sa mamayang inihandang party ng Gobernador ng Ilocos. Hindi naman sa iniisip naming kalaban si Governor ngunit iba pa din pag iisipin mong siya ang Founder ng Fire Gang. Kailangang paghandaan pa din namin siya. Hindi na namin muling napag-usapan nila Albert at John ang tungkol kay Bella at ang kaugnayan nito sa Gobernador. Saktong alas syete na nang gabi nang huminto ang Land cruiser ko sa harap ng mansion. Mas nauna lamang ng kaunti sila Papa sa amin ni Bella kaya tiyak kong naroroon na sila sa loob at nag-aantay sa pagdating namin. “Tara na?,” aya ko sa aking katabi. Ang kaniyang simpleng white dress ay mas lalong nagpalitaw kung gaano siya kaputi. Bagay na bagay iyon sa kulay ng kaniyang make up. Magaling talaga ang bagong

