CHAOS' POV Umalis agad kami roon sa buong mansyon na iyon at umuwi na. Sa sobrang sakit ng nalaman ko ay pati ang alak ay hindi na tumalab sa aking diwa. Punong puno ako ng sakit ng nararamdaman. How could she fooled me up to this now? How? Di ba niya ako mahal? “I’m sorry Chaos baby. I'm sorry,” aniya habang hindi pa din tumitigil sa kakaiyak. Nasa loob kami ngayon ng kotse ko at minamaneho ko ito ng mabilis pa sa alas kwatro. Pinaupo ko ito sa likuran habang ako ay nandito at siyang magdadrive. Pinauna ko na sina Papa kahit na ayaw nilang magkasama kaming dalawa rito dahil iniisip nilang may gagawin akong masama. Syempre hindi naman ako gago noh. Iyon lang ay hindi ko kase alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung anong irereply ko sa mga sinabi niya at inamin niya kanina

