CHAOS' POV Ilang oras na ang lumipas pero narito pa din akong nakatunganga sa loob ng aking kotse. Hindi pa din makapaniwalang wala na kami ni Bella. Sandaling natigil agad ang aking pagninilay nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali dali ko iyong kinuha mula sa aking bag at pinakatitigan ang taong tumatawag. Si Albert. Bakit kaya siya tumatawag? Sinagot ko agad iyon. “Chaos, nakalayo na ba kayo ni Bella? Nasaan ka?,” garagal at nagmamadaling tanong niya. Inilapag ko agad ang cellphone at itinodo ang volume. “Pauwi na ko. Bakit?,” wala sa gana kong sabi. Rinig ko pa ang mahaba at mabigat nitong paghinga mula sa kabilang linya. “Nagkabarilan rito sa mansiyon ni Governor. Nabaril si John!,” kabadong sabi niya. “Huh? Akala ko ba umalis na kayo,?” gulat na gulat kong sabi

