CHAPTER 8

1406 Words
BRIELLA'S POV Habang naglilinis ako sa garden ng mga Salvador ay palinga linga ako sa paligid ko sapagkat usap-usapan ng mga katrabaho ko kanina na nakauwi na nga si Ma'am Callie. Kanina pa nga rin ako nagdadasal na sana'y tuluyan nang nakalimutan ng amo ko ang mga sinabi niya sa akin sa ospital noon. Sinabi ko naman na kasi kay Gael na huhulug-hulugan ko sa kaniya ang mga nagastos niya kay Nanay. Kaya nga kahit puyat ako ay pinilit ko pa ring pumasok ngayon. Maaga akong umalis kina Freya kaninang umaga upang makauwi pa ako sa bahay. Mabuti na nga lamang na wala na sa bahay sina Ate kaya mapayapa akong nakauwi. "Ella." Mabilis akong napatingin kay Gael na naglalakad na palapit sa akin. Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid upang malaman kung may mga taong maaaring makakita sa amin. Mabuti na nga lamang na nasa may gilid ako ng garden at walang masyadong nagagawi sa lugar na ito. "Anong sasabihin mo? Pwede mo naman akong i-text," nakasimangot kong sabi sa kaibigan ko. "Grabe ka sa akin. Ang suplada mo yata ngayon." Kusang naglaro sa isipan ko ang muntik nang pagkakahuli sa amin sa maid's quarter. Ayoko nang maulit iyon kaya hanggang maaari ay nag-iingat na ako. Dinaig pa tuloy namin ang may relasyon na pilit itinatago sa lahat. "Ayoko lang na may makahuli sa atin. I mean, hindi pwedeng malaman ng iba na magkaibigan tayo," seryosong sabi ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman si Gael. "Alam mo, sa totoo lang, hindi ko naman kailangang itago sa lahat na kaibigan kita. Pero dahil nga sa kaibigan kita at ayaw kong pag-isipan ka ng iba ng masama, umaayon na lang ako sa gusto mo," sabi naman niya sa akin. "Pasensya ka na. Kung may mapapasukan lang talaga akong ibang trabaho na kasing laki ng pagpapasahod niyo." "Hoy, hindi kita pinapaalis, ano. Mas maganda na nga rin na nandito ka sa akin." Tumalikod ako kay Gael at ibinalik ang sarili sa ginagawa ko. Natanaw ko kasi sa hindi kalayuan si Ma'am Callie na tila may hinahanap. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at muling nanalangin na sana ay hindi niya ako nakita. "Kuya, nandyan ka lang pala. Hinahanap ka ni Daddy," narinig kong sambit ni Ma'am Callie. "Ganoon ba." Narinig ko ang mga hakbang na papalayo sa akin kaya lakas loob akong humarap. Buong akala ko ay silang dalawa ang umalis ngunit naiwan pala si Ma'am Callie na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napatungo. "Good morning po, Ma'am Callie," kinakabahan kong bati sa kaniya. "Kakaiba kang babae ka. Hindi ko akalain na pati si Kuya," seryosong sabi niya sa akin. "H-hindi ko po kayo maintindihan. Pasensya na po," sambit ko naman. Totoong hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ayokong isipin na baka nag-iisip na siya ng kakaiba sa amin ng Kuya niya. Kinakabahan ako dahil baka kanina pa siya nakatingin sa amin at nakita niya ang pag-uusap namin ni Gael. "Never mind. I need to talk to you. Tara sa room ko," nakangiting sabi niya. "Ma'am?" "Narinig mo ako. Tara sa room ko. Doon tayo mag-usap." Hindi na ako nakatanggi pa dahil bumalik sa pagiging seryoso niya si Ma'am Callie. Nakataas pa ang kanang kilay niya na siyang kinatatakutan ng lahat. Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kaniya. Never pa akong nakapasok sa mga kwarto dito sa mansion kaya ganoon na lamang ang pagkamangha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto ni Ma'am Callie. Mas malawak pa ito sa bahay namin. Napakalaki ng kama niya na halos kasya na yata ang apat na tao. Kulay pink halos lahat ng mga gamit niya, mula sa bedsheet, mga unan at kumot, carpet, cabinet, table at kung ano ano pang gamit sa kwarto niya. At mas lalo akong namangha nang makitang may ref siya dito. Napakalaki ng ref nila sa kusina ngunit may ref pa siya dito sa kwarto. Marahil ay ganito rin kalaki at karami ang gamit sa kwarto ni Gael. "Dederetsohin na kita. Kailangan mong mag-resign sa amin." "Po?" gulat kong tanong. "Ma'am Callie, kung 'yong nakita niyo man po sa amin ni Sir Gael, wala po iyon. Nagtatanong lamang po siya sa akin," paliwanag ko pa. Napatawa naman si Ma'am Callie na ikinatayo ng mga balahibo ko. May something sa tawa niya na hindi ko maipaliwanag. Ang creepy kahit wala naman kami sa horror movie. "Kakaiba ka talaga. Masyado kang defensive. Ano nga bang pangalan mo ulit?" sabi niya nang makatapos siya sa pagtawa. "Ella po," maiksing sagot ko. "Ella, kailangan mong mag-resign sa amin dahil mamamasukan ka bilang katulong sa bahay ng ex ko na si Nyx." Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa narinig. Hindi ko magawang makapagsalita dahil hindi ko mahagilap ang tamang salita para tumutol sa sinabi ni Ma'am Callie. "Siguro naman ay hindi mo nakakalimutan ang napag-usapan natin sa ospital noon? Unless, magkakilala talaga kayo ni Kuya kaya kampante ka na tutulungan ka niya kahit na hindi ako nagsabi sa kaniya." "Ma'am Callie, bubunuin ko na lang po ang nagastos niyo sa pagpapagamot kay Nanay. Pasensya na po, Ma'am, ngunit hindi ko po talaga kaya ang ipinapagawa niyo," mangiyak ngiyak na sabi ko. Biglang sumeryeso ang mukha ni Ma'am Callie na lalong nagpataas ng tensyon na nararamdaman ko ngayon. "So, can you pay us within a month?" "Po?" "Ella, hindi kita binibigyan ng option dahil utos ko ang pinapagawa ko sa 'yo. Kailangan mong paibigin ang ex ko, at pagkatapos ay sasaktan at iiwan mo siya. Ganoon lang kadali," seryosong sabi pa niya. "Pero paano ko po mapapaibig ang ex niyo samantalang isang katulong lamang po ako?" Tumalikod sa akin si Ma'am Callie. Pumunta siya sa may ref niya at kumuha ng isang bote ng beer. "Iyon nga rin ang hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung anong nakita niya sa 'yo para ngumiti siya ng ganoon," walang emosyong sabi pa niya. "Ma'am, mas lalong hindi ko po kayo maintindihan. Hindi ko po kilala ang ex niyo," naguguluhang sabi ko naman. Huminga ng malalim si Ma'am Callie. Ibinaba niya sa may kama niya ang isang papel. "That's the contract. Basahin mo. Sigurado naman akong maiintindihan mo iyan dahil tapos ka ng high school, hindi ba?" Hindi ako sumagot. Dinampot ko na lamang ang kontrata na sinasabi niya at tahimik itong binasa. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga digits na nakalagay dito. Hindi ko akalain na kayang maglabas ni Ma'am Callie ng ganito kalaking halaga para lamang sa plano niya laban sa ex niya. "Matatanggihan mo pa ba 'yan? Bukod sa sasahurin mo sa pagtatrabaho sa kanila, suswelduhan din kita ng 30,000 pesos sa loob ng isang buwan. At kapag napagtagumpayan mo ang plano, considered paid na ang utang mo sa amin." Totoong nakakasilaw nga ang offer ni Ma'am Callie ngunit damdamin ng tao ang pinag-uusapan namin. At isa pa, hindi ko alam kung paano paiibigin ang ex niya. Napakahirap at napakaimposible. "Kung hindi ka man magtagumpay, hindi ko babawiin ang pinasahod ko sa 'yo. Pero babalik ka rito sa amin upang bunuin ang utang mo. Napaka-generous ko na sa part na 'yan, Ella," dugtong na sabi pa niya. "Pero, Ma'am Callie--" "Hindi ka na rin mahihirapan na mag-apply sa bahay ng ex ko dahil may kakilala ako doon na magpapasok sa 'yo. Siya rin ang magsisilbing mata ko sa inyong dalawa ng ex ko. Ako ang magde-decide kung kailan mo dapat saktan at iwan ang ex ko. At wala kang ibang gagawin kundi gawin ang lahat para mapansin ka niya at mapaibig siya." Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak pa rin ang kontrata. Hindi ako makapag-isip ngayon dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Wala na rin akong lakas ng loob para tumutol pa dahil nauubusan na ako ng idadahilan. "So, Ella, pirmahan mo na ang kontrata, or else, matatanggal ka sa trabaho mo ngayon, at sisiguraduhin kong walang kumpanya ang tatanggap sa 'yo." Mapakla akong napangiti. "So, I don't have any choice." Makapangyarihan ang apelyidong Salvador. Isa sila sa mga pinakamamayaman sa buong Pilipinas kaya alam kong sa isang pitik niya lamang ay masisira niya ang buhay ko na pilit kong inaayos. At kapag nangyari iyon ay pati ang pamilya ko ay madadamay. Pikit mata kong dinampot ang ballpen at nanginginig na pinirmahan ang kontrata. "Matalino ka, Ella. Pero may isang bawal sa kontratang iyan. DON'T EVER FALL IN LOVE WITH NYX BRANDON MALLARI."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD