CHAPTER 9

1233 Words
BRIELLA'S POV "Sayang, Hija. Isa ka sa pinakamasipag na tauhan dito. Bakit yata biglaan ang pagre-resign mo?" malungkot na tanong sa akin ni Manang Baday nang ibigay ko sa kaniya ang resignation letter ko. Bago kasi matapos ang pag-uusap namin ni Ma'am Callie ay siniguro niyang magre-resign ako sa kanila. Siya na nga ang gumawa ng resignation letter ko at pinirmahan ko na lamang iyon. Kaya bago ako umuwi ngayon ay ibinigay ko na ito kay Manang Baday. Alanganin akong napangiti. "Pasensya na po, Manang Baday. May nakita po kasi akong trabaho na mas malaki ang sweldo. Mas mabilis po akong makakabayad ng utang ko kaya ayoko na pong palagpasin iyon. Pasensya na po talaga kayo," sabi ko pa. Marahan namang tumango sa akin si Manang. "O siya sige. Ako na ang bahalang mag-abot nito kina Ma'am at Sir. Tatawagan na lamang kita kapag naibigay na nila ang natitira mong sahod. Lagi kang mag-iingat, Hija." "Opo. Maraming salamat po, Manang Baday." Lumabas na ako ng mansion dahil tapos na rin naman ang trabaho ko. Hindi ko binanggit kay Gael o sa kahit na sinong kaibigan ko ang biglaan kong pagre-resign dahil paniguradong gigisahin nila ako ng tanong. Mabuti na nga lamang na hindi nagpakita sa akin ngayong hapon si Gael. Marahil ay busy siya kaya wala siya sa mansion. Saka na lamang ako magpapaliwanag sa kaniya kapag nagkaroon ako ng oras. Pinaghahanda kasi ako ni Ma'am Callie dahil bukas na bukas ay ihahatid niya ako sa subdivision kung saan nandoon ang bahay ng ex niya. Bukas na rin ang simula ko doon dahil ayon kay Ma'am Callie, pasok na raw ako bilang kasambahay. Isa pa iyon sa kailangan kong ipaliwanag kay Nanay. Stay in kasi ang trabaho ko doon. Tuwing Lunes lang ako makakauwi sa bahay dahil ang trabaho ko doon ay mula Martes hanggang Linggo. Mas madali ko raw kasing mapapaibig ang Nyx na iyon kung doon ako magi-stay. Ito ang unang pagkakataon na malalayo ako kina Nanay kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Gayunpaman, wala naman akong magagawa kundi ang makiayon sa mga sinasabi sa akin ni Ma'am Callie. Malapit na ako sa may gate ng subdivision nang biglang tumigil sa tapat ko ang sasakyan ni Gael. Napahinga ako ng malalim nang ibinaba niya ang bintana ng kotse. "Get in," seryosong sabi niya sa akin. "Alam mong hindi pwede, Gael," sambit ko naman. "I said get in," pag-uulit pa niya ng sinabi niya. Hindi na ako nakipagtalo pa at sumakay na lamang sa sasakyan niya. Mabuti na lamang na walang ibang tao na pwedeng makakita sa amin. Tahimik siyang nagmaneho palabas ng subdivision habang ako naman ay nakikiramdam sa kaniya. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang pagre-resign ko kaya siya nagkakaganito ngunit sa palagay ko ay iyon na nga ang nangyari. Nasa may highway na kami nang magsalita siya. "Bakit ka nag-resign?" seryosong tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. "Kailangan ko ng mas malaking sahod para mas mabilis kitang mabayaran," ang tanging sinabi ko na lamang. "Magkano ba ang sahod mo sa lilipatan mo? Hihigitan ko," walang emosyong sabi pa niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Ngunit hindi ko naiwasan ang masaktan sa sinabi niya. "Yan na lang ba ang tingin mo sa akin? Isang bayaran?" "Ella, hindi naman ako nagmamadali na singilin ka, hindi ba? Hindi mo kailangang maghanap ng ibang trabaho," imbes ay sabi niya. "Kailangan ko, Gael," giit ko naman. "Bakit?" "Dahil ayoko nang dumepende sa 'yo. Ayoko nang magkaroon pa ng mas maraming utang na loob sa 'yo," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung paano malulusutan ang mga tanong ni Gael. Hindi ko naman maaaring sabihin sa kaniya ang totoo dahil paniguradong pipigilan niya ako, at isa pa, mapapahamak din si Ma'am Callie. Ayoko nang si Gael na naman ang magligtas sa kinasasadlakan ko ngayon. Biglang inihinto ni Gael ang sasakyan upang tumingin ng deretso sa mga mata ko. "Then marry me." Literal na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung binibiro niya lamang ba ako ngunit napakaseryoso naman ng mukha niya. "N-nababaliw ka na ba?" nauutal kong tanong sa kaniya. "No. Ella, ayokong magtrabaho ka sa iba. Ayokong malayo ka sa akin. Pakasalan mo na ako. Ako na ang bahala sa 'yo at sa pamilya mo. Ang kailangan mo lang gawin ay maging isang housewife, maging asawa ko." Mapait akong napangiti. "So, ano 'to? Binibili mo na ako?" naiiyak kong tanong. "Ella, hindi pa ba malinaw sa 'yo ang lahat? Mahal kita." "Pero hindi ibig sabihin no'n na basta mo na lang ako aalukin ng kasal ng ganoon kadali na parang gamit lang na kayang kaya mong bilhin dahil mayaman ka. Of all peaople, ikaw ang mas nakakakilala kung sino ako. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako gagamit ng ibang tao para lang umangat sa buhay." Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at ibinaling ang atensyon sa labas ng sasakyan. Bumuhos na pala ang malakas na ulan na hindi ko man lang namamalayan. "I'm sorry. Nainis lang ako nang malaman kong aalis ka sa amin. Masyadong biglaan, Ella," seryosong sabi pa niya sa akin. "Alam mo namang anumang oras ay aalis talaga ako sa oras na makahanap ako ng ibang trabaho. Kaibigan kita, Gael. At ayokong masira iyon." "Is this a kind of rejection? Hindi pa man ako nagsisimula ay basted na ako?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Mapait akong napangiti habang nakatitig pa rin sa labas ng sasakyan. "Hindi ako ang babaeng para sa 'yo. Alam kong gasgas na ang linyang langit ka at lupa ako. But that's the reality. Kahit kailan ay hindi magtatagpo ang antas natin. At ayokong maging kumplikado ang mga buhay natin." "Tell me, Ella, kung hindi ba ako mayaman at katulad mo lang akong isang simpleng tao, may pag-asa ba ako? Mamahalin mo ba ako?" Humarap ako kay Gael. Isa ito sa kinatatakutan kong mangyari sa tuwing sinasabi sa akin nina Freya na may gusto sa akin si Gael. Natatakot akong maaapektuhan ang pagkakaibigan namin, at tila nangyayari na nga ito. "Katulad ng sinabi ko sa 'yo, kaibigan kita, Gael. At hanggang doon na lamang 'yon. I'm sorry." Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Gael. Mabilis akong bumaba ng sasakyan niya at hindi na ininda pa ang malakas na ulan. Tinakbo ko na lamang ang gilid ng highway. Malapit naman na ito sa kabayanan kaya makakasakay na ako doon pauwi sa amin. Hindi ko rin alam kung susubukan ba akong sundan ni Gael ngunit tiniis kong huwag siyang lingunin upang ipakita sa kaniya na wala siya ni katiting na pag-asa. Totoo ang sinabi kong hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Ni minsan kasi ay hindi ko nakita ang sarili kong hihigit pa doon ang pagtingin ko sa kaniya. "Anong akala mo? Nasa isang music video ka?" Naputol ang pag-iisip ko at natigil ako sa paglalakad nang magsalita ang lalaking nasa waiting shed na nadaanan ko. Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko nang makilala ko kung sino siya. "Ikaw na naman?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Sabi ko naman sa 'yo, hindi ba't magkikita pa rin tayo," nakangising sabi niya sa akin. Napairap na lamang ako. Ayoko na siyang pagtuunan pa ng pansin kaya nagsimula na ulit akong humakbang palayo. "Don't worry. Magkikita ulit tayo," pahabol pa niyang sabi sa akin. "Yeah. In your dreams!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD