CHAPTER 14

1361 Words
BRIELLA'S POV "Balita ko ay ipinagluto mo raw si Senyorito?" Katatapos ko lang maglinis ng kwarto ni Senyorito Nyx at paglabas ko ay nakaabang na pala sa akin si Ate Jenny. Sinabayan niya ako pababa ng hagdan dahil hinihintay niya ang sagot ko. "Oo. Pero hindi naman niya kinain," dismayadong sagot ko nang makarating na kami sa kusina. "Naku, hindi mo talaga mapipilit 'yan. Simula nang magbinata 'yan ay hindi na talaga nag-aalmusal. Ni isa sa amin, kahit ang Don at Donya ay hindi siya mapilit." Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang trabaho ko. Ang hirap niyang basahin," reklamo ko pa. "E tumawag nga sa akin si Ma'am Callie," bulong sa akin ni Ate Jenny. "Ano raw sabi?" kinakabahang tanong ko. "Ayon, galit na galit dahil muntik mo nang masaksak ang pinakamamahal niya. Pero bago kami matapos mag-usap ay kalmado naman na siya. Gusto niya lang madaliin na mapaibig mo ang senyorito." Marahan akong napailing. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang laki ng tiwala ni Ma'am Callie na mapapaibig ko ang ex niya." "Basta gawin mo na lang ang inuutos niya. Mahirap ding kalaban si Ma'am Callie kaya nga wala akong nagawa noong ginawa niya akong espiya dito sa bahay. Masyado na kasing obsessed e," pagkukwento pa ni Ate Jenny. "Pero at least, mag-oobserve ka lang. Paano naman ako na kailangan ko pang paibigan ang lalaking iyon. Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend e." Napatawa naman si Ate Jenny kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. "Seryoso ka? Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong pa niya. "Oo. Bakit?" "Wala naman. Nakakapagtaka lang na wala man lang nanubok manligaw sa 'yo?" Biglang sumagi sa isipan ko si Gael at kusang naglaro sa isipan ko ang mga inamin niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatawagan o tine-text kaya hindi ko alam kung kumusta na siya. Sina Freya at Jayden naman ay kapwa busy sa school nila kaya ayoko silang abalahin pa. Hindi ko maiwasan ang mag-alala kay Gael ngunit mas mabuti na rin siguro na hindi na muna kami mag-usap. "Mas mahirap pa ako sa daga kaya imposibleng may magkagusto sa akin. At isa pa, wala sa isipan ko ang mga bagay na 'yan," sagot ko na lamang kay Ate Jenny. Biglang nag-ring ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa bulsa ng apron ko. Hindi naman kasi kami bawal mag-cellphone basta hindi tatagal ng kalahating oras. Kumunot pa ang noo ko nang makitang numero lang ang tumatawag sa akin. At bilang introvert na tao, hindi ko sinagot ang tawag at dinecline iyon. "Hala ka, bakit hindi mo sinagot?" curious na tanong pa sa akin ni Ate Jenny. "Hindi naka-save ang number kaya hindi ko sasagutin. Baka mamaya scammer pala," sagot ko naman. Muling tumawag ang numero at muli ko iyong dinecline. Wala naman akong pinagkakautangan na mga lending company or app kaya sigurado akong hindi maniningil iyon. Imposible rin namang ang mga kaibigan ko ang may utang at ginawa nila akong contact reference. Kaya malakas ang kutob kong scammer lang iyon. Muling tumunog ang cellphone ko ngunit hindi na iyon tawag. Isang text na iyon na sa tingin ko ay galing sa numerong tumatawag sa akin. Answer my call! I'm Nyx! "Hala ka!" bulalas ni Ate Jenny na nakibasa rin pala sa cellphone ko. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kat*ngahan ko. Kinuha nga pala ni Senyorito ang number ko at sinabi niyang tatawagan niya ako. Pero hindi ko naman kasi ine-expect na tatawag agad siya. "Ayaw na ayaw pa naman ni Senyorito na hindi sinasagot ang tawag niya," kinakabahang sabi pa ni Ate Jenny. "Malay ko ba kasing siya pala ang tumatawag," sagot ko naman. "Tsk. Tsk. Tsk. Mahihirapan ka talaga, Ella. Naku, diyan ka na nga. Sagutin mo na kapag tumawag ha." Iniwan ako ni Ate Jenny sa kusina habang ako ay nakatitig lang sa text message sa akin ni Senyorito Nyx. Kahit na text lamang iyon ay ramdam ko ang galit niya sa akin. Literal na nanayo ang mga balahibo ko dahil sa sobrang kaba. Nang mag-ring ang phone ko ay agad ko iyong sinagot. "The h*ll?" bungad sa akin ng amo ko. "Sorry na po, Senyorito. Akala ko kasi ay scammer," deretsong sagot ko naman. "Seriously? Kagabi ay magnanakaw, ngayon naman ay scammer? Do I really look like a joke to you?" "Hindi po, Senyorito. Hindi ko lang po talaga ugaling sumagot ng tawag sa hindi ko kilalang number. Hindi na po mauulit," sabi ko naman. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Senyorito habang ako naman ay mariing napapikit. Masyado ko na yatang nasasagad ang pasensya ng lalaking ito at kailangan ko na yatang tanggapin na hindi ko magagawang paibigin ang katulad niya. "Just come," maiksing sabi niya. "Saan po, Senyorito?" nagtatakang tanong ko pa. "Outside the gate. Magbihis ka ng maayos ayos. Bilisan mo dahil ayokong pinaghihintay ako." Magsasalita pa sana ako ngunit pinatay na niya ang tawag. Mabilis kong hinanap si Ate Jenny upang sumangguni sa kaniya. Sa may hagdan ko siya nakita na naglilinis. "Ate Jenny, pinagbibihis ako ni Senyorito at pinapalabas niya ako sa may gate," kinakabahang sabi ko. "Sundin mo na lang siya dahil ikaw ang personal maid niya." "Paano kung ipa-salvage na lang niya ako bigla?" wala sa sariling tanong ko. Napatawa naman sa akin si Ate Jenny. "Kung hindi ka pa magbibihis at lalabas sa may gate, baka nga ipa-salvage ka na no'n. Bilisan mo na dahil mainipin 'yon. Sige na." Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Ate Jenny. Pumasok ako sa maid's quarter upang magpalit ng damit. Nagpantalon lang ako at oversized na t-shirt na pinaglumaan pa ni Ate Mina. Nag-sandals na lang din ako na pinaglumaan naman ni Ate Angel. Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko ay nagsimula na akong maglakad palabas ng gate. Halos takbuhin ko na nga iyon dahil baka naiinip na si Senyorito. Baka matuluyan na talaga ako kapag nagkataon. Pero syempre, hindi ko kinalimutan ang b@lisong ko. Iniipit ko iyon sa may gilid ng pantalon ko. Paglabas ko ng napakalaking gate ay nandoon na nga si Senyorito Nyx. Nakasandal siya sa may sasakyan niya at hindi ko napigilan ang sariling mapatitig sa kaniya. Hindi naman kasi maitatanggi na gwapo si Senyorito at ang lakas ng dating niya sa posisyon niyang iyon. "Ang tagal!" sigaw niya sa akin na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. "Sorry po," ang tanging nasabi ko na lamang at saka mabilis na lumapit sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan habang ako ay nakatayo lamang at nakatingin sa kaniya. "Sakay," maiksing sabi niya. "Senyorito, ipapa-salvage niyo na po ba ako?" Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil dapat ay sa isip ko lamang ang tanong na iyon. Sa sobrang kaba ko ay naisaboses ko na ang nasa utak ko. "Ella, you're really getting on my nerves. Just hop in," walang emosyong sabi niya. Mabilis akong sumakay sa sasakyan niya. Pagkasara niya ng pinto ay naamoy ko pa ang pabango niya. Nang makasakay siya sa may driver's seat ay lumingon siya sa akin at inilahad ang palad niya. "Hand me your knife. I know you bring it with you," seryosong sabi niya. "Pero, kasi po," nauutal kong sambit. "Come on. Wala akong masamang balak sa 'yo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gan'yan ang tingin mo sa akin. Mukha ba talaga akong kriminal sa paningin mo?" Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-guilty dahil sa sinabi niya. Napakayaman nga naman niya para pag-isipan ko pa siya ng masama. Kaya dahan dahan kong kinuha ang b@lisong ko at inilagay iyon sa palad niya. "Ibabalik ko ito sa 'yo pagkauwi natin. So, don't worry," seryosong sabi pa niya. Tumango na lamang ako at ikinabit ang seatbelt. Kahit kasi mahirap ako ay marunong ako nito dahil nakasakay na ako sa kotse ni Gael kaya kahit papaano ay hindi ako ignorante. Nagsimula nang magmaneho si Senyorito Nyx habang ako ay nanatili na lamang na tahimik. Ayoko nang magsalita pa dahil ipinapahamak lang naman ako ng bibig kong ito. Kung saan man kami pupunta ay hindi ko alam. Bahala na si batman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD