NOSGEL POINT OF VIEW
“Babe, eat mo na ‘to ha. Cucumber ‘yan, favorite mo daw.”
Tinitigan lang ako ni Aethan, then tumingin siya sa pipino sa kutsara na parang it’s about to murder his soul. Pero he didn’t say anything. Wala siyang idea kung favorite nga ba niya ‘to o hindi. So with one eyebrow raised and full trust sa fake girlfriend niya — a.k.a. sa akin — kinain niya ‘to.
Gusto kong sumigaw ng "YES!" sa loob ng isip ko. This is the kind of petty revenge I live for.
Dahil kung totoo ang sinasabi ng mga taong naka-survive sa pagiging assistant niya, ang cucumber ang mortal enemy ng buhay ni Aethan Monteclaro. As in, may mga kwento pa nga dati na tinanggal niya sa catering service ang supplier ng salad dahil may cucumber sa side dish. Overacting? Yes. Believable? Very.
Pero ngayon, eto siya, si Mr. Elite CEO, helpless and memoryless, at ako ang nagbibigay ng veggies na kinaayawan niya habang nasa hospital bed siya wearing the softest pajamas ever.
Victory never tasted this crunchy.
Napangiti ako habang pinapanood siyang ngumunguya ng mabagal, parang sinusubukang mag-decide kung gusto ba niya o hindi.
“Masarap ba?” tanong ko, kunwari concern pero deep inside, sinasayawan ng cha-cha ang kaluluwa ko.
He gave a slow nod. “Weird... but I think I like it.”
Napakagat ako sa labi para hindi matawa. “Sabi ko naman sa’yo, babe, dati ka pang obsessed sa cucumber. Lagi mo pa nga ‘yang hinihingi kahit walang okasyon.”
He blinked. “Talaga?”
“Promise. As in may time na bumili pa ako ng isang kilong cucumber tapos niluto ko in four different ways kasi ang sabi mo, ‘di raw enough kung raw lang.’”
“Grabe,” sabi niya habang tumingin sa akin na parang sobrang appreciative. “Thank you for taking care of me.”
Boom.
Nasaan ang award ko? Gusto ko ng trophy. Or tiara. Or kahit framed certificate na nagsasabing “Best Faker 2025.”
Kasi girl, ang sarap sa tenga no’n. I mean, ilang linggo pa lang ang nakakalipas nung halos isigaw niya sa buong office na "bakit parang kang hangin na walang silbi?"
At ngayon, eto siya. Calm. Soft. Grateful.
God, amnesia is a gift.
I pinched his cheek lightly. “Wala ‘yun. Ako pa ba? You’d do the same if it were me.”
Lies. Pure lies.
Baka nga kung ako ang na-aksidente, ang una niyang itanong eh kung gumagana pa ang laptop ko para tapusin ko ang reports.
Pero eto na tayo ngayon.
Habang busy siyang inuubos ang cucumber dish ko — which by the way ay salad lang with konting dressing para kunwari may effort — niligpit ko na ang table tray niya at inayos ang blanket niya sa paa.
Nagtingin-tingin ako sa hospital room. VIP suite, syempre. Aircon na parang glacial wind, may sofa pa sa gilid, at isang malaking TV na hindi pa rin namin nabubuksan. Mas gusto kong magpaka-nurse kaysa magpaka-Netflix.
“May gusto ka bang gawin?” tanong ko habang sinusuklay ang buhok niyang medyo magulo.
He looked up. “Hmm... gusto ko lang na nandiyan ka.”
Ay wow.
PAK. SHET. TAMA NA. BAKIT PARANG KINIKILIG NA AKO.
Hinampas ko ang sarili ko mentally. Hoy, Nosgel. Focus. Revenge to, remember? Hindi romcom fantasy. Hindi ito “50 First Dates.” This is “How to Ruin Your Boss With Cuteness and Cucumbers.”
Pero ang hirap, okay?
Kasi even when he’s just sitting there, naka-upo with that confused little boy look, biglang parang hindi siya ‘yung Aethan na tumatawag sa akin ng “disgrace to corporate structure.”
Biglang parang... tao siya. Fragile. Honest. Vulnerable.
Oh no.
Don’t tell me I’m falling for a glitch version of him.
I shook my head. No. Hindi puwede. Hindi ngayon. Hindi kailanman.
“Babe,” sabi ko sabay abot ng tubig, “drink ka muna. Hindi ako papayag na madehydrate ka.”
He smiled. “Thank you, Gel-Gel.”
My soul exited my body for five seconds.
Aethan Monteclaro. Just. Called. Me. Gel-Gel.
“Oh my God,” sabi ni Jilly sa voice message kanina habang nasa banyo ako. “Kinilabutan ako nung nabasa ko ‘yung update mo. As in totoo ba? Kumakain siya ng cucumber? At tinawag kang Gel-Gel?!”
“Legit,” reply ko habang pinipilit na hindi mapasigaw sa phone.
“Tangina. Malapit ka nang maging CEO’s Wife in 3... 2...”
“Shhh. Wag ka nga. Fake ‘to. Focus tayo sa mission.”
Pero kahit anong “mission” ang sabihin ko, medyo nababawasan na ang fire sa revenge ko. Kasi ang bait niya ngayon. He’s soft. And trusting. He looks at me like I’m the only thing making sense sa gulo ng utak niyang wala pang laman.
No one has ever looked at me like that before.
Kaya habang inaayos ko ang unan niya, at habang pinapanood ko siyang slowly bumalik sa tulog, I whispered, more to myself than to him.
“Let’s make you pay sweetly.”
And maybe, habang binabayaran mo ang mga kasalanan mo sa salad at sweetheart names, ako naman ang mag-decide kung kailan ko gugustuhing ibalik ang totoo mong sarili.
Or maybe… just maybe… baka sa oras na bumalik ang memories mo, huli na ang lahat.
Baka ako na rin ang hindi makaalis sa storya nating puro kasinungalingan.
_______
Pagkatapos niyang matulog, tumayo ako mula sa tabi ng kama niya at dahan-dahang lumapit sa bintana ng hospital room. Grabe, ang peaceful ng view may garden, may fountain, may mga bird na parang wala silang pakialam sa kaguluhan ng mundo. Unlike me. Ako, punong-puno ng pakialam. Kasi habang tinitingnan ko si Aethan na mahimbing ang tulog, hindi ko na alam kung sino talaga ang niloloko ko rito siya ba o ako?
Pumikit ako sandali. Umihip ang malamig na hangin mula sa aircon, at doon ko na-realize, may kaba na sa dibdib ko na hindi dahil sa takot. Hindi dahil sa guilt. Kundi dahil sa... excitement?
“Wag kang papaloko, Nosgel,” bulong ko sa sarili. “Acting lang ‘to. Lahat ‘to parte ng grand plan.”
Binalikan ko siya sa kama. He looked so innocent. Parang walang idea na may buong corporation siyang tinakot for the past three years. Na may mga empleyado siyang hindi na nagkaka-anak sa stress. Na ako, assistant niya, halos magka-ulcer dahil sa sigaw niya over font size sa reports.
Pero ngayon? He’s asleep. Quiet. Vulnerable. And calling me Gel-Gel like some clingy boyfriend from a teen teleserye.
Napailing ako. This is insane.
Biglang tumunog ang phone ko. Si Jilly.
“Bes, kumusta na ang love life mo with the amnesiac devil?” message niya.
Sinagot ko agad. “Girl, he's sleeping, and I'm by his side right now."
Few seconds later, may voice message akong natanggap. Halakhak ng demonyita kong kaibigan ang laman.
“PUTANGINA. Sige, Nosgel. Push mo na ‘yan. Papunta na tayo sa ‘I accidentally fell in love with my boss who forgot he’s satan’ territory.”
Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan tumawa. Tumingin ako kay Aethan ulit. Tulog pa rin siya. Mukhang mahaba-haba pa ‘tong tulog niya. Kaya umupo ako sa sofa, naglabas ng notepad sa phone, at nagsimulang maglista.
Napangiti ako habang tinititigan ‘yung list ko. Ganto pala ‘yung feeling ng may hawak kang kontrol. After years of being yelled at, micromanaged, and treated like aircon filter, ako na ngayon ang may hawak sa remote ng buhay niya.
Pero syempre, hindi lahat masaya. Kasi bukod sa planning, kailangan ko pa ring magpaka-fake girlfriend 24/7.
Biglang nagising si Aethan. Dumilat ang mata niya at parang na-confuse. Tumingin sa paligid, tapos sa akin.
“A-Ang aga pa ba?” tanong niya, medyo groggy.
Lumapit ako, pinilit ngumiti. “Hmm, medyo. Pero natulog ka naman agad. Okay ka lang ba, babe?”
He nodded slowly, then reached for my hand. Hinawakan niya. Parang instinct.
“I’m glad you’re here,” bulong niya.
Putek.
Paano mo lalabanan ‘yon? Yung sincerity sa boses niya? Yung hawak niya na parang ikaw lang ang lifeline niya sa mundong hindi niya kilala?
Sinikmuraan ko ang puso ko emotionally. “Of course. Where else would I be?”
Tumango lang siya. “Can you… stay here tonight?”
Ay puta. Umuusok na ang CPU ko. Stay? As in, sa room na ‘to? Kasama siya?
“Uhm…” Gusto kong umarte na shocked. Pero siyempre, dapat ready ako palagi. “Sure. Dito lang ako sa sofa, okay lang?”
“Thank you,” bulong niya ulit bago ipinikit ang mga mata.
Shit. Umiling ako habang pabalik sa sofa. Hindi ko alam kung ako ba ang nananalo sa game na ‘to o ako na ang nauubos.
Habang nakahiga ako sa sofa, pinanood ko siyang huminga ng steady. Tahimik lang ang paligid. Tapos biglang naisip ko—paano kung hindi na bumalik ang memories niya? Paano kung maniwala siyang forever, ako talaga ang girlfriend niya?
Would I still push through with the plan?
Would I still want revenge?
Or would I start wishing this lie was real?
Bumuntong-hininga ako. Hindi ito puwedeng tumagal. Isa ‘tong game na may oras. Isang maling galaw lang, tapos ang lahat. At kapag bumalik ang memories niya, the real Aethan Monteclaro will rise again. The cucumber-hating, staff-screaming, dignity-destroying devil.
So habang may amnesia siya, I have to make every second count.
Tomorrow, gagawin ko ang next step.
Tomorrow, ipe-press ko ang narrative sa buong kumpanya.
“Gel-Gel” will be the new queen.
At si CEO? Siya ang magiging puppet ko.