KABANATA 18

801 Words
**NOSGEL POINT OF VIEW** Ang plano ko sana ay simple lang. Candlelight dinner. Soft jazz in the background. Ako in a killer dress na may slit hanggang langit. Siya, hopefully mahuhulog sa bitag ko habang nagsusubo ng truffle pasta. Ganon sana ang plano. Anniversary daw namin, di ba? Eh kahit fake lang ‘yung relationship namin, at least naman bigyan natin ng Oscar-level performance ang fake celebration. Konti na lang at bibigay na sana ‘yung puso ng binatang CEO-turned-seminarian. Pero hindi. Hindi talaga ako puwedeng sumaya nang tuluy-tuloy. Tanghali pa lang, pinatawag na ako ni Benjo sa office ni Aethan. Nag-aayos pa ako ng buhok sa CR habang ina-adjust ‘yung cleavage ko nang konti. Siyempre, handa dapat. Baka bigla akong yayain kumain out of town, mag-picture under fairy lights. Malay mo. Pero pag-upo ko sa harap niya, kalmado siya. Naka-steady ang kamay sa ibabaw ng Bible, parang laging may oath-taking. "Nosgel," seryoso niyang bungad. "I have something important to discuss with you." Pumintig ang tenga ko. "Yes... Sir?" Ngumiti siya nang bahagya. "Tonight was supposed to be our anniversary dinner, di ba?" Kumindat ang kaluluwa ko. Yes, eto na. Naglalambing. "Oo nga po," sabay slow smile ako. "May reservations na tayo sa Le Rosette. May pa-chocolate soufflé pa yun. Romantic ambiance. French jazz. Couple goals." Tumango siya, pero hindi yung kinikilig na tango. More like... tango ng guilty priest. At doon ko na dapat naramdaman ang danger. "About that," aniya, "I had a change of plans." Napatigil ako. Napakunot ang noo. "Ano pong ibig niyong sabihin na... change of plans?" "Instead of dinner," he said with full conviction, "I’d like you to join me in celebrating the 6PM Mass sa Our Lady of Light Parish." ... Tumingin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin. Tahimik ang buong opisina. "Mass?" ulit ko. "Yes," he said with the most peaceful smile I’ve ever wanted to punch. "I feel it’s more meaningful. Instead of indulgence, let’s offer gratitude. For what we have. For this… bond." I blinked. Three times. "Bond?" bulong ko. "Yes. Our spiritual journey together. As partners in reflection and transformation." May kung anong bumaligtad sa sikmura ko. Hindi dahil kinilig ako. Kundi dahil... ang hinihintay kong risotto ay napalitan ng rosaryo. "Sir, I wore my red dress for pasta, not for penance." Ngumiti siya. "Then it will be a beautiful offering." Wala akong nagawa. Of course. Fake girlfriend ako. Supportive kunwari. So tinanggap ko ang imbitasyon niya sa misa, kahit sa utak ko gusto ko nang tumakbo papunta sa Le Rosette para solohin ang reservation. Pagdating ng 5:30PM, sinalubong ako ni Jilly sa hallway habang naka-coat pa ako. "Uy, akala ko date niyo ngayon?" "Na-cancel," sabay lunok ko sa sama ng loob. "Ha? Bakit?!" "Papamisa niya raw ako." "Ha?!" "Basta. Long story. Hindi na dinner. Devotion na." Tumawa siya nang malakas. "Girl, 'yung love story mo, nagkakaron ng 'Spiritual Plot Twist'." At oo, that night, tumuloy kami sa simbahan. Naka-red dress ako na pang-date talaga. Lahat ng tao naka-jeans at polo. Ako lang parang handang makipag-ballroom dance kay Jesus. Nang magsimula ang misa, naupo kami sa may third row. May bitbit siyang mini Bible. Ako may bitbit na clutch na may lipstick at compact powder. Contrast na contrast kami. Habang nagho-homily si Father Carlos, napansin kong todo focus si Aethan. Parang sinasagap niya bawat salita. Parang may soundtrack sa utak niya habang sinasabi ni Father, "Minsan ang tunay na pag-ibig ay ang sakripisyo." Napalingon siya sa akin, ngumiti. Ako naman, pilit ngumiti pabalik, pero deep inside gusto ko siyang batukan gamit ‘yung choir booklet. After ng misa, habang palabas kami, nagpasalamat siya. "Thank you for coming with me. It means a lot." I forced a sweet voice. "Of course. Anything for… growth." Lumapit siya sa rebulto ni Mama Mary. Tapos huminga ng malalim. "I think we need more moments like this." "More Mass?" "More soul-cleansing." Soul-cleansing daw. Eh ako nga gutom pa rin. Walang pasta. Walang dessert. Walang kilig. Pagkauwi ko, nagpadala pa siya ng text. "Tonight was peaceful. God bless your heart." Nagreply ako ng "Amen" kahit ang gusto ko talaga isulat ay "I hope next time you bring me to a buffet." Biglang nag-chat si Jilly. "Girl, kamusta ang divine date?" Sumagot ako: "No candles. No kisses. Just communion." "Hala. Fake girlfriend na, naging fake disciple ka pa." Umupo ako sa kama ko. Tinanggal ang heels. Tinanggal ang makeup. Tinanggal pati expectations sa buhay. At doon ko narealize: ang revenge plot ko, na dapat puno ng flirtation, has now turned into a Catholic retreat. Pano ba ‘to? Di ko pwedeng i-kiss si Father Aethan. Pero sure akong unti-unti niya akong dini-disciple. Buti na lang fake lang ‘to. Kasi kung totohanin ko pa ‘to, baka next week, may vow of chastity na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD