KABANATA 17

966 Words
**NOSGEL POINT OF VIEW** Kung may isang taong nagugustuhan talaga ang bagong bersyon ni Aethan, hindi ako yun. Hindi rin si Benjo na halos sumuko na sa buhay. Hindi rin si Jilly na lagi akong kinukurot kapag may naririnig siyang gospel verse sa group chat. Alam mo kung sino? Si Eloisa Tan. Yes. The office snake in high heels. Alam mo yung tipong babae na kahit hindi nagsasalita, parang galit na agad ang aura? Pero ngayon, iba. Parang biglang naging Maria Clara na may pa-soft voice at subtle shoulder brush tuwing dumadaan si Aethan sa hallway. Lunes ng umaga, kakatapos lang ng usual Monday devotion via Zoom. Si Aethan ang nag-lead. Siyempre may quote siya na ganito, "Let us start the week not just with goals but with grace." Pagkababa namin ng call, biglang nag-comment si Eloisa sa group chat. "Such a meaningful devotion. So refreshing to have a leader grounded in faith." Napatingin ako kay Jilly across the room. Para kaming nagka-telepathic eye-roll. Sa pantry, nagkita kami ni Eloisa habang nagsasalin ako ng instant coffee. Nagkukunwari siyang humble pero ramdam mong may agenda. "Hi Nosgel," bati niya, sweet kuno. "Have you noticed how Aethan seems so... deep now?" Quoting Shakespeare na ba tayo? “Deep?” ulit ko habang kinukuyakoy ang kape. "Oo. Like, dati parang cold and unreachable siya. Now, he radiates peace. Parang ang sarap niyang kausap habang nagbabasa ng Psalms." Gusto kong sumagot ng "Mas masarap pa rin ang tahimik na boss na hindi ka pinapainom ng Holy Water," pero pigil ako. Ngumiti ako. "Yeah. Radiates peace. Like a monk trapped in a CEO's body." "Exactly!" Halos pumalakpak pa siya. "I even joined his Wednesday Bible study. Ang galing niya mag-share. I feel so... spiritually connected." Spiritually connected? Diyos ko. Sana hindi na lang siya nag-fast track sa HR ladder. Nag seminar na lang sa seminary. Bumalik ako sa desk ko, mainit ang ulo. Si Jilly naman, busy na namang nagmememe. "Girl, nakita mo group chat? Si Eloisa nag-post ng picture nila ni Aethan sa pantry. Caption niya: 'When wisdom meets wonder.'" Napapikit ako sa stress. "Wisdom meets wonder? Bakit hindi nalang 'hypocrisy meets delusion'?" "Bes, baka soulmate niya raw si Father Aethan. Kilig na kilig siya kahapon nung nagpray over siya after team huddle." Team huddle nga pala. Ay oo. Hindi ko makakalimutan. Na-late ako ng five minutes. Pagpasok ko, nakita kong nakaluhod si Eloisa, habang hawak ni Aethan ang balikat niya, eyes closed. "Let the Lord grant you clarity in your tasks and kindness in your emails," dasal ni Boss. I almost choked on my saliva. Kung hindi lang ako binantayan ni Jilly, baka sumigaw na ako ng "Fake ka, girl." Pagbalik sa desk, pinilit kong maging productive. Pero hindi ako makafocus. Ang dami ko kasing naririnig sa paligid. "Iba talaga si Sir Aethan ngayon. Grabe ‘yung vibe niya. Parang angel." sabi ni Eloisa habang may kausap sa phone. "Hindi lang angel. Archangel. Leader of holy HR affairs," dagdag pa niya. Napapikit na lang ako. Tulungan niyo ako. Maya-maya, lumapit si Eloisa sa desk ko. May hawak na tray ng cookies. "Hi, Nosgel. Binigay 'to ni Sir Aethan. For the whole team. Sabi niya, spread love." Ngumiti ako. "Ay, thanks. May lason ba ‘to?" Tumawa siya. "You’re so funny. Alam mo, minsan I wonder... ano kaya pakiramdam ng girlfriend ni Sir Aethan? Ang swerte naman no?" Napaatras ako nang konti. Bakit parang may pasaring? "Feeling ko, sobrang kalmado siguro ng relationship nila. Full of quiet moments and deep conversations." "Quiet moments? Kami? Well," ngumiti ako ng pilit, "I mean, sometimes. But you know, he also snores." Napatigil siya. "Nagsa-snore si Sir Aethan?" Nag-sip ako ng kape. "Yup. Parang baby goat. May rhythm pa. Ganyan kami ka-close." Kitang-kita sa mukha niya ang pagkabasag. Parang hindi niya kinaya ang visual. "Well, maybe he's just tired from all the praying and meditating." "Baka nga. O baka dahil hindi siya makatulog sa dami ng sermon niyang binubuo gabi-gabi." Pagkatalikod niya, napahawak ako sa tyan ko. Hindi dahil sa gutom. Kundi dahil gusto kong ilabas lahat ng natirang dignity ko sa katawan. Kung fake dating lang pala ang kailangan para sumikat sa HR group chat, dapat pala nilagyan ko ng halo-halo ang script ko. Dumating si Jilly at siniko ako. "Bes, nakita mo ba? May bago siyang framed quote sa office niya. 'Love is patient, love is kind. Unless it's office gossip.'" Napahagalpak ako. “Pati ‘yun pinasok?” “Oo. At guess what? Si Eloisa na naman ang nag-print. Volunteer daw siya for spiritual graphics team.” Grabe. Spiritual graphics team? Baka bukas may church bulletin board na sa hallway. At kung hindi pa ako natauhan, baka mag-altar na rin si Eloisa sa pantry. Hindi ko alam kung bakit, pero nakakainis. Hindi dahil gusto ko si Aethan. Huwag tayo. Hindi pa ako ganun ka-desperada. Pero siguro dahil sa lahat ng nangyari, siya ‘yung pinaka-walang alam sa plano ko pero siya ‘yung nagbe-benefit. At ako? Ako ang nai-stuck kasama si St. Eloisa ng Third Floor. That night, habang naglalakad ako pauwi, nag-text si Jilly. "Bes. Si Eloisa daw, nagpadala ng devotionals kay Aethan. Nakalagay, ‘For your journey, from someone who sees your soul.’" Tumigil ako sa paglalakad. Napatingin sa langit. "Lord, hindi ko po ‘to inumpisahan para pagharian ni Eloisa ang langit at opisina." Kaya ayun. Mission not accomplished. Hindi pa rin nagseselos si Aethan. Pero ako? Ako na ang nasusuka. Tomorrow is another day. Another fake smile. Another fake Bible verse. Pero hindi pa tapos ang laban. Dahil kahit ilang devotionals pa ang ipadala niya, ako pa rin ang fake girlfriend. At kahit fake ‘yun, mas totoo pa rin ako kaysa sa lahat ng pinapakitang banayad na pananampalataya ni Eloisa. Game on, spiritual seductress. Game on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD