Chapter 29 Stranger Things Sakit at kirot ang siyang pumukaw sa akin. Mula sa aking ulo, paibaba sa aking likod, balakang halos ang buo kong katawan. Hirap akong imulat ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga sigawan nila. Mula sa kinalalagyan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. “Kawawa naman.” Isang nakakahabag na salitang aking narinig. “Naku baka buhay pa ‘yan. Tumawag kayo ng tulong!” ang sigaw ng isang ale. “May dugo!” ang tarantang sambit ng isa pang babae. “Tumawag kayo ng tulong!” “Tumawag kayo ng ambulansiya!” “Bilis!” ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Mula doon ay nais kong igalaw ang aking sarili. Pero hindi ko magawan ng paraan. Pakiramdam ko na ako ay nakatali at walang maigagalaw. Pakiramdam ko ako ay ipinako at kailangan na indahin ang kirot na naglalakbay

