Chapter 30 Sad Truth Lesley's POV Katahimikan ang siyang bumabalot sa aking paligid. Masilaw ang liwanag kahit ako ay nakapikit. Mabigat at makirot ang aking pakiramdam mula sa aking ulo. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Isang puting kisame ang siyang bumungad sa pagmulat ng aking mga mata. Nais ko sanang igalaw ang aking ulo subalit mayroong sagabal sa aking leeg. Ang hirap dahil may kirot akong nararamdaman. “Ate!” ang boses ni Sam na aking narinig. Nais kong magsalita subalit tila wala pa akong lakas. Iginalaw ko ang aking kamay. Nahihilo pa din ako. Kinapa ko ang leeg ko hanggang sa ulo ko. Biglang nakita ko si Sam na nakatingin sa akin pababa. Nakangiti siya. “Ate kamusta ba ang pakiramdam mo?” ang tanong niya. May galak sa mukha nito ng makitang gising na ako. “Nasa

