Chapter 31 Dark Secrets “It was me, Les.” Ang sabi ni Lia. Napayuko siya dahil hindi niya ako magawang tingnan sa aking mga mata. Napakagat labi akong umiling. Hindi ako makapaniwala na ang nga taong ito na malapit sa akin ay naglihim ng matagal. “Lia?” tanging nasambit ko. Mayroong pagtatanong sa aking mga titig at tinig ng tawagin ko ang kaniyang pangalan. “I am sorry!” ang sabi niya. Nag-angat kaagad siya ng tingin sa akin. “I never wanted to hurt you, Les.” Nalulungkot siyang nakatingin sa akin. Umiling ako at napapikit ng aking mga mata. Kailangan ko ng lakas. Muli ay hinarap ko silang dalawa. “Alam niyo ba?” naluluha kong sabi. “Ang sakit-sakit,” garalgal na ang tinig ko. “Na makita ko silang dalawa sa ganoong sitwasyon. Gusto ko ng mawala.” Humimig sa aking tinig ang lungko

