Chapter 30 “Anong kaguluhan ito?!” Patay… Hindi inaasahan ni Robin ang maagang pagbabalik nina Xen at Zico. Ngayon nga ay napatingin siya sa mga ito na nasa pinto ng dining hall. Nang maglakad ang mga ito palapit sa kanila at tinginan siya ni Tala na nasa kaniyang tabi, bahagyang nakayuko ang ulo nito. “Hindi ba at mayroong patakaran dito sa dining hall ng vantress? Na ang silid kainan ay hindi dapat ginagawang lugar ng labanan?!” Sigaw ni Zico. Napapikit si Sayah sa lakas ng boses nito. Ngayon lamang niya narinig na sumigaw ng ganito si Zico at ngayon lamang niya nakita ang galit sa mukha nito. Dapat talaga ay hindi na lang niya pinatulan si Tala at ang tatlong lalakeng alagad nito. “P-Pasensiya na po, Master Zico, hindi na po namin uulitin,” sabi ng isang lalake. Hindi si Sayah n

